Our Lady of Medjugorje Messages - complete list

Go to random message on this page

Medjugorje messages of year 1996

Mahal kong mga anak, Nagpapasalamat ako sa aking mga anak sa pagpapakasakit na inialay ninyo ngayon. Tinatawagan ko kayo na buksan ang inyong kalooban at ialay ng buong puso at walang alinlangan. Alam ko mga anak na ang damdamin ninyo ay hindi pa taos puso sa pagmamahal sa Diyos, kaya hinihiling ko sa inyo mga anak na maghandog tayo ng panalangin sa Diyos para tayo ay kanyang tulungan na taimtim sa puso at walang pakundangan. Mahal kong mga anak nagpapasalamat ako sa inyong pagtugon sa aking kahilingan at lalakad kami kasama ka tungo sa kaluwalhatian.
Mahal kong mga anak, Inaanyayahan ko kayo ngayon upang maglaan ng panahon para sa Diyos. Mga anak marami kayong sinasabi tungkol sa Diyos subalit hindi ninyo tinutupad sa inyong buhay. Kaya mga anak kayo ay magbagong buhay at lumapit sa Diyos ng sa gayon ay makita ninyo ang kagandahan ng buhay na ibinigay sa inyo ng Diyos. Mga anak inaanyayahan ko kayong muli na lumapit sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin upang mabago ang inyong buhay. Bawat isa sa inyo ay magiging mayumi katulad ng isang bata na laging bukas ang pagmamahal ng isang ama. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking kahilingan.
Mahal kong mga anak, Makinig kayo dahil nais kong makipag-usap at anyayahan kayo upang magkaroon ng higit na pananampalataya at tiwala sa Diyos na lubos na nagmamahal sa inyo. Mga anak kong munti hindi ninyo alam na mabuhay sa biyaya ng Diyos kaya kayo ay aking tinatawagang muli upang dalhin ang salita ng Diyos sa inyong puso at pag-usip. Mga anak kong munti, ilagay ang banal na bagay sa nakikitang lugar ng inyong pamilya at basahin at gawin. Turuan ang inyong mga anak sapagkat kung hindi kayo magbibigay ng halimbawa, sila ay malalayo sa Diyos. Ipakita at magdasal sa Diyos upang isilang sa inyong puso at ang inyong puso ay magiging masaya. Salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak, Inaanyayahan ko kayo ngayon upang ihandog ang inyong pasanin at paghihirap para sa aking kahilingan. Mga anak kong munti, ako ang inyong ina at ninanais kong tulungan kayo sa paghahanap ng gracia mula sa Diyos. Mga anak kong munti ihandog ninyo sa Diyos ang paghihirap at iaalay upang maging magandang bulaklak ng kasiyahan. Kaya mga anak kong munti manalangin kayo upang maunawaan na ang paghihirap ay nagiging kasiyahan at ang krus ang siyang daan tungo sa kaligayahan. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak, Ngayon ay inaanyayahan ko kayo upang buksan ang inyong kalooban sa Diyos na lumalang sa atin, upang kayo ay magbago. Mga anak kong munti kayo ay narito sa akin. Mahal ko kayong lahat kaya tinatawagan ko kayo upang lalong lumapit sa akin, upang ang inyong pagmamahal sa aking banal na puso ay lalong tumibay. Nais ko kayong magbago at akayin sa landas tungo sa puso ni Jesus, na hanggang ngayon ay nagdurusa dahil sa inyo kaya tinatawagan kayo na magbago. Sa pamamagitan ninyo ay nais kong mabago ang mundo. Maunawaan ninyo mga anak kong munti na kayo ngayon ang asin at ilaw sa mundo. Mga anak kong munti inaanyayahan ko kayo at minamahal ko kayo ng labis. Maraming salamat sa pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak, Ngayon ay muli ko kayong inaanyayahan na manalangin upang sa pamamagitan ng panalangin pag-aayuno at munting sacrificio ay maihanda ang inyong sarili para sa pagdating ni Jesus. Sa panahong ito mga anak kong munti ay maging panahon ng biyaya para sa inyo. Gamitin ang bawat sandali at gumawa ng kabutihan, sa pamamagitan nito ay madama ninyo ang pagsilang ni Jesus sa inyong puso. Kung ang inyong buhay ay magbigay ng halimbawa at maging tanda ng pagmamahal sa Diyos, ang kaligayahan ay mananatili sa puso ng sanlibutan. Maraming salamat sa pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak: Ngayon ako ay sumasainyo sa mahala gang daan. Hinahawakan ko si Jesus sa aking kandungan at kayo ay aking inaanyayahan, mga anak kong munti buksan ang inyong sarili sa kanyong pagtawag. Tinatawagan niya kayo upang magsaya. Mga anak kong munti, Masayang mabuhay sa mensahe ng ebanghelio na aking inuulit magbuhat nh panahong ako ay sumasainyo. Mga anak kong munti ako ay inyong ina at nais kong ipaalam sa inyo ang Diyos ng pag-ibig at Diyos ng kapayapaan. Ayaw kong ang inyong buhay ay maging malungkot kundi maging walang hanggang kasiyahan. Ayon sa ebanghelio ito lang ang daan upang magkaroon ng layunin ang ating buhay. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.

Medjugorje messages of year 1997

Mahal kong mga anak! Inaanyayahan ko kayo upang mabago ang inyong kinabukasan. Kayo ang gumagawa ng bagong paraan sa mundo ng walang pananampalataya sa Diyos, Kundi ang inyong sariling lakas kaya hindi kayo kuntento at walang kaligayahan sa puso. Ngayon ang panahon upang magbago mga anak kong munti, Inaanyayahan ko kayong muli upang manalangin. Kung matamo natin ang pagkakaisa tungo sa Diyos, malalasap natin ang kaluwalhatian ng salita ng Diyos at sa ating puso. Ang mga anak kong munti ay aapaw sa kaligayahan. Matatamo natin ang pagmamahal ng Diyos saan man tayo naroon. Binibindisyunan ko kayo at inuulit ko sa inyo na ako ay sumasainyo upang sumaklolo. Nagpapasalamat ako sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak! Inaanyayahan ko kayo ngayon sa mahalagang paraan upang buksan ang inyong sarili sa Diyos na lumikha sa atin at maging masigasig. Inaanyayahan ko kayo mga anak kong munti upang sa ngayon ay mabatid ang nanganga-ilangan ng panalangin o kamunduhang panganga-ilangan. Sa inyong halimbawa, mga anak kong munti ikaw ang sugo ng Diyos, na siyang hinahanap. Sa pamamagitan nito ay maunawaan na ikaw ay tinatawag upang maging saksi at maging masayang tagapaglaganap ng salita at pag-ibig ng Diyos. Salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Ang sabi ni Mirjana ang mahal na Birhen ay malungkot habang ibinibigay ang mensahe, kungbaga ay matatag siya binindisyunan niya ang lahat ng naroon at ang lahat ng relihiyosong bagay. Ang mahal na Birhen at si Mirjana ay nagdasal ng Ama Namin at luwalhati sa ama para sa mga hindi sumasampalataya. Paghihimala ay nagtagal ng anim na minuto simula sa ala-una singkuwenta ng hapon. Wala siyang sinabi tungkol sa sekieto.
Mahal kong mga anak! Bilang isang ina ay hihihiling ko na huwag ka nang magpatuloy sa iyong kasalukuyang landas, ang landas na walang pag-ibig sa kapwa at kay Jesus. Sa landas na ito, ay makikita mo lamang ang katigasan at walang laman ang iyong puso, at hindi kapayapaan na siya mong ninanais. Ang tunay na kapayapaan ay makikita lamang sa pagmamahal sa kapwa at kay Jesus. Sa isang puso na ang aking anak ang siyang nananatili at siyang nakakaalam ng kapayapaan at kaligtasan. Salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak, Ngayon sa mahalagang paraan ay inaanyayahan ko kayo na dalhin ang krus sa inyong mga kamay at manalangin sa sugat ni Jesus. Hilingin kay Jesus sa pagalingin and iyong sugat, ang sugat na sa inyong buhay ay dahil sa iyong kasalanan ng iyong magulang. Sa paraan lang ito mga mahal kong mga anak ay iyong mauunawaan na ang mundo ay nangangailangan ng taimtim na panampalataya sa Diyos na lumalang. Sa pamamagitan ng paghihirap at pagkamatay ni Jesus ay iyong mauunawaan na sa pamamagitan lamang ng iyong pananalangin, na ikaw ay magiging tuany na apostoles sa pananampalataya, na sa kasimplihan at pagdalanign ang iyong pananalig ay isang biyaya. Maraming salamat sa iyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak, Ngayon ay tinatawagan ko kayo upang ang inyong buhay ay maging bahagi ng Diyos na lumalang sa atin, dahil ito lamang ang paraan upang ang inyong buhay ay magkaroon ng kahalagahan at ating maunawaan na ang Diyos ay pag-ibig. Isinugo ako ng Diyos sa inyo dahil sa pag-ibig, upang tulungan na maunawaan ninyo na kung walang Diyos ay walang kinabukasan o kaligayahan at, unang una ay walang hanggang kaligtasan. Mga anak kong munti, tinatawagan ko kayo upang iwasan ang kasalanan at tanggapin ang panalangin sa lahat ng sandali, upang maunawaan natin ang kahulugan ng ating buhay. Ibinibigay ng Diyos ang kanyang sarili sa nangangailangan sa kanya. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak! Inaanyayahan ko kayo upang sambahin ang Diyos at sa ngalan ng Diyos ay maging sagrado sa ating puso at sa ating buhay. Mga anak kong munti, kung kayo ay sumasampalataya sa Diyos, Siya ay sumasainyo at nagbibigay ng kapayapaan at kaligayahan mula sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Kaya mga anak kong munti, manalangin tayong lahat at isapuso ang pananampalataya sa ngalan ng Diyos at sa kalangitan mula sa kaibuturan ng ating puso. Siya ay napakalapit sa atin at ginagabayan tayo ng Diyos. Salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak! Ngayon ako ay sumasainyo sa mahalagang paraan at ibibigay ko sa inyo ang mahal na ina ng kapayapaan. Ipinagdarasal ko kayo at ihahatid tungo sa Diyos, upang sumampalataya ang bawat isa sa atin at makapaghatid ng kapayapaan. Wala kang kapayapaan kung ang puso mo ay walang kapayapaan sa Diyos. Kaya, Mga anak kong munti, manalangin manalangin, manalangin, dahil ang pananalangin ang siyang bumubuo ng kapayapaan. Buksan ang inyong puso at maghandog ng onas sa Diyos upang siya ay maging kaibigan. Kung ang tunay na kaibigan na maka Diyos ay mananatili, walang bagyo na makakasalanta sa atin. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak, Ngayon ay inaanyayahan ko kayo upang tumugon sa aking pagtawag sa pagdalangin. Aking ninais, mga mahal kong anak, na ngayong panahon ito ay magkaroon ka ng panahon sa sariling pagdalangin. Ninanais kong maging daan mo ako sa taos pusong pagdalangin. .Sa pamamagitan lamang nito na iyong mauunawaan na ang iyong buhay ay walang kahulugan kung walang pagdalangin. Iyong matutuklasan ang kahalagahan ng iyong buhay kapag natuklasan mo ang Diyos sa pagdalangin. Kaya, mga mahal kong anak buksan ang pintuan ng iyong puso at iyong mauunawaan na ang pagdalangin ay kaligayahan na kung wala ito ay hindi ka mabubuhay. Maraming salamat sa iyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak, Ang panginoon ang nagbigay sa akin ngayon ng gantimpala para sa iyo, upang gabayan at akayin sa landas ng kapayapaan. Mahal kong mga anak, ngayon ay hindi mo maunawaan ang kaluglhatian, ngunit balang araw ay matatamo mo ang katutuhanan tungkol sa mensahing ito. Kaya mga anak kong munti, mabuhay ang lahat sa mundo na ipinagkaloob sa atin ngayon at huwag makalimot manalangin, hanggang maging kagalakan sa iyo. Unang una ay tinatawagan ko ang lahat ng taos pusong sumasampalataya sa mahal na birhen upang maging halimbawa sa iba. Tinatawagan ko ang lahat ng pari at mga kapatid kong lalaki at babae upang magdasal ng rosaryo at turuang magrosaryo ang lahat. Mga anak kong munti, ang mahalaga sa akin. Tungkol sa pagrorosaryo buksan ang inyong puso sa akin at kayo ay aking sasaklolohan. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal Kong Mga Anak, Ngayon, ay tinatawagan ko kayo upang maunawaan na kung walang pag-ibig ay hindi ninyo mauunawaan na ang Diyos ay siyang maging mahalaga sa ating buhay. Kaya mga anak kung munti, ay tinatawagan ko kayong lahat upang magmahal, hindi sa makamundong pagmamahal kundi sa pagmamahal sa Diyos. Sa pamamagitan nito, ang inyong buhay ay magiging mas maganda at makahulugan. Inyong mauunawaan na ang Diyos ay ibinigay ang kanyang sarili sa malinis na paraan ng pagmamahal. Mga anak kong munti, sanay maunawaan ninyo ang aking salita na aking ibinigay sa inyo buhat sa aking pag-ibig, manalangin, manalangin, manalangin upang inyong matanggap ang iyong kapwa na may pagmamahal at patawarin ang lahat ng mga nakagawa ng kasalanan sa iyo. Ang pagsagot sa pamamagitan ng pananalangin ay bunga ng pagmamahal sa Diyos na lumalang sa atin. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak, Kahit ngayon ako ay nasasaiyo at tingtawagan ko kayong lahat upang magbago sa pamamagitan ng aking mensahe. Mga anak kong munti, ang panalangin ang magiging buhay para sa iyo upang maging halimbawa sa iba. Mga anak kong munti ninanais ko na kayo ang maging tagabaglaganap ng kapayapaan at kaligayahan ng Panginoong Diyos. Ngayon ang mundo ay walang kapayapaan. Kaya mga anak kong munti, manalangin, manalangin, manalangin at ako ay sumasaiyo at binibin disyunan ko kayo ng makainang kapayapaan. Maraming salamat sa iyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak, Ngayon ay inaanyayahan ko kayo upang maunawaan ang ingong tungkulin bilang isang Kristiano. Mga anak kong munti, ako ay nanguna at aakayin ko kayo tungo sa panahon ng grasya, upang ating isaloob ang tungkuling maka Kristiano. Ang mga banal ay namatay na naging saksi, ako ay Kristiano at ang pag-ibig sa Diyos ay nangunguna sa lahat ng bagay. Mga anak kong munti, ngayon ay muli ko kayong inaanyayahan na magsaya at maging maligaya at matapat na Kristiano at isaloob na tinatawagan kayo ng Diyos sa napakahalagang paraan upang maging masaya at ibahagi ang inyong paniniwala sa mga hindi naniniwala sa Diyos, at sa pamamagitan ng halimbawa ng inyong buhay, ay magkaroon ng pananampalataya at pagmamahal sa Diyos. Samakatuwid, manalangin, manalangin, manalangin upang ang inyong mga puso ay mabuksan at maging makabuluhan ang salita ng Diyos. Salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak, Ngayon ako ay nagagalak sa inyo, at tinatawagan ko kayo sa kabutihan na siya kong ninanais sa bawat isa sa atin na makita at dalhin ang katahimikan sa inyong puso at sabihin; na nais kong ang Diyos and manguna sa inyong buhay. Sa pamamagitan lamang nito, mga anak kong munti na ang bawat isa sa atin ay maging banal. Mga anak kong munti, sabihin ninyo sa lahat, nais ko ang kabutihan at mga anak kong munti, sabihin ninyo sa lahat, nais kong kabutihan ninyo at siya ay tutugon ng may kubutihan at mga anak kong munti, nagbigay ng kanyang buhay at nagligtas sa atin. Kaya, mga anak kong munti, magsaya at inyong ibahagi kay Jesus and inyong kamay kay Jesus siya lamang ang mabuti. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.

Medjugorje messages of year 1998

Mahal kong mga anak. Ngayon ay tinatawagan ko kayong muli upang manalangin. Sa pamamagitan lamang ng pananalangin, Mahal kong mga anak, ang puso ay magbago, upang maging mabuti at mataimtin sa salita ng Diyos. Mga anak kong munti, huwag ipahintulot na akayin kayo ni Satanas at gawin ang kanyang gusto. Tinatawagan ko kayo upang maging responsable matatag at taimtim na manalangin sa Diyos araw araw. Ang banal na misa, mga anak kong munti, ay hindi gawain sa iyo, kundi buhay. Ang mabuhay sa banal na misa araw araw, ay madarama mo ang panganga-ilangan ng kabanalan at ikaw ay mabubuhay sa kabanalan. Ako ay malapit sa iyo at siyang nagtutulak sa Diyos para sa bawat isa sa atin, upang ikaw ay bigyan ng lakas upang baguhin ang inyong puso. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak, kahit ngayon ako ay sumasainyo at muli ko kayong tinatawagan upang lalong lumapit sa akin sa pamamagitan ng panalangin. Sa mahalagang paraan, ay tinatawagan ko kayo upang magbago sa panahon ng kapayapaan. Mga anak kong munti magmuni-muni at mabuhay sa pamamagitan ng munting sakripisyo, para sa paghihirap at pagkamatay ni Jesus para sa bawat isa sa atin. Kung kayo ay lalapit sa Diyos kayo ay patatawarin at mamahalin tulad ng ginawa niya sa bawat isa sa atin. Sa pamamagitan ng panalangin at pagbabago kayo ay magiging mas matatag sa pananampalataya at pagmamahal tungo sa simbahan at sa mga taong nakapalibot sa iyo. Mahal ko kayo at ginagabayan ko kayo. Salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mirjana taunang mensahe Ang pinagpapakitaan ng Mahal na Birhen,Mirjana Dragicevic-Soldo ay nagkaroon ng taunang pagpapakita noong Marso 18,1998. Ang Mahal na Birhen ay tumigil na sa pagpapakita sa kanya noong Disyembre 25,1982. Noong panahong iyon ang Mahal na Birhen,pagkatapos ipagtapat sa kanyang kaarawan, Marso 18 hanggang siya ay nabubuhay. At ngayon Marso 18,1998 ay nagpakita ang Mahal na Birhen sa kanya. Ang pagpapakta ay tumagal ng apat hanggang limang minuto. Ang Mahal na Birhen ay nakipag-usap tungkol sa sekreto, binindisyunan ang lahat ng mga naroroon, at ibinigay ang sumusunod na mensahe.
Mahal kong mga anak! Tinatawagan ko kayong lahat upang aking maging ilaw, upang maliwanagan ang mga naliligaw ng landas, upag punuin ang kanilang puso ng kapayapaan ng aking anak. Salamat sa inyong patugon sa aking pagtawag.
Mga mahal kong anak! Sa araw na ito ay tinatawagan ko kayo para magayuno at talikdan ang lahat ng kasamaan. Mga munti kong anak, talikuran ninyo ang mga nakakabalakid sa pagiging malapit kay Hesus. Sa natatangingparaan ay tinatawagan ko kayo: Dumalangin, sapagkat sa pamamagitan lamang ng pagdarasal ay inyong malalabanan ang makasariling hilig at matatagpuan ang naisin ng Diyos kahit sa maliit na bagay. Sa pamamagitan ng inyong pang-araw-araw na buhay, mga munti kong anak, kayo ay magiging halimbawa at saksi kung kayo ay nabubuhay para kay Hesus, o laban sa kanya at sa kanyang naisin. Mga munti kong anak, ninanais ko kayo na maging tagapaglaganap ng pag-ibig. Sa pamamagitan ng pag-ibig, munti kong mga anak, na masasabing ikaw ay akin. Salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak, ngayon ay tinatawagan ko kayo, sa pamamagitan ng panalangin, upang buksan ang inyong sarili sa Diyos na parang bulaklak na bumubukang kusa sa sinag ng araw. Mga anak kong munti, huwag kayong matakot. Ako ay sumasainyo at makipag-ugnayan sa Diyos ang bawat isa sa atin upang ang puso ay makatanggap ng pagbabago. Sa ganitong paraan, mga anak kong munti, sanay maunawaan ang kahalagahan ng biyaya sa panahong ito upang kayo ay mapalapit sa Diyos. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo, sa pamamagitan ng pagdarasal at pagsasakripisyo, upang ihanda ang ating sarili sa padating ng Espiritu Santo. Mga anak kong munti, ngayong ang panahon ng grasya, at muli ko kayong tinatawagan para sa Diyos, na lumalang sa atin. Hayaan mo na siya ang mag-iba at magpabago sa iyo. Sana ang iyong puso ay maging handa sa pakikinig, at mabuhay, lahat ay naayon sa nais ng Espiritu Santo para sa bawa't katotohanan at kaligtasan tungo sa walang hanggang buhay. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak! Ngayon ay nagpapasalamat ako sa inyong pagtugon sa aking mensahe. Binibindisyunan ko kayo ng aking makainang pagmamahal at kayong lahat ay aking dadalhin sa aking anak na si Hesus. Maraming salamat sa inyong patugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak, ngayon mga anak kong munti. Ay inaanyayahan ko kayo sa pamamagitan ng pananalangin para sa Diyos, upang sa pamamagitan ng panana landgin para sa Diyos, upang sa pamamagitan ng sariling karanasan sa pagdarasal ay matuklasan ninyo ang kagandahan ng nilalang ng ating panginoone diyos. Hindi mo masabi o mapatunayn ang tungkol sa pana nalangin, kung hindi ka mag da rasal, kaya mga anak kong munti, manatiling isapuso si jesus, upang mabago ka niya at mapanatili ang kanyang pagmamahal. Ngayon, mga anak dong munti ay panahon ng biyaya para sa inyong. Gamitin sa mabuting panraan para sa inyong sariling pagababago, kung kayo ay mali diyos, lahat ay nasasainiyo. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak, Ngayon ay inaanyayahan ko kayo upang manatiling malapit sa akin sa pamamagitan ng pananalangin. Mga anak kong munti, ako ang inyong ina, at minamahal ko kayo at sanay manatili ang bawat isa sa inyo ay ligtas at maging sa kalangitan. Kaya mga anak kong munti manalangin, manalangin, manalangin hanggang ang inyong buhay ay manatiling nananalangin. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Malahl kong mga anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo upang maging saksi sa pananampalataya sa ating ama. Mga anak kong munti, hinahanap mo ang tanda at mensahe na hindi mo nakikita sa bawat pagsikat ng araw tuwing umaga, tinatawagan ka ng Diyos upang mabago at mapabalik ang daan tungo sa katotohanan at pananampalataya. Marami kong sinasabi, mga anak kong munti, subalit gumagawa kayong kaunting pagbabago. Kayo mga anak munti, baguhin at magsimulang manatili sa aking mensahe, hindi lamang sa inyong salita kundi sa inyong buhay. Sa ganitong paraan, mga anak kong munti, magkaroon ka ng lakas at tunay na bagbabago sa inyong puso. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak, ngayon ay tinatawagan ko kayo upang lalong lumapit sa aking banal na puso. Tinatawagan ko kayo upang ulitin sa inyong buong pamilya ang pagiging malapit sa akin tulad ng unang araw nang ako ay tumawag sa inyo upang magsakripisyo, magdasal at magbago. Mga anak kong munti, tinanggap ninyo ang aking mensahe ng bukas sa puso, kahit na hindi ninyo alam kung ano ang pagdalangin. Ngayon, ako ay tumatawag sa inyo upang buksan ang inyong sarili ng lubusan sa akin upang kayo ay magbago at magtungo sa puso ng aking anak na si Hesus, upang inyong madama ang kanyang pag-ibig. Sa pamamagitan lang ng paraang ito, mga anak kong munti ay inyong matatagpuan ang tunay na kapayapaan, ang kapayapaan na ang Diyos lamang ang makapagbibigay sa inyo. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa akin pagtawag.
Mahal kong mga anak; Ngayon ay tinatawagan ko kayo upang ihanda ang inyong sarili sa pagdating ni Hesus. Sa mahalagang paraan, ay ihanda ang inyong puso. Ang sagradong kumpisal ay nangunguna upang magbago tayo kaya, mahal kong mga anak magdesisyon para sa kabanalan. Ang inyong pagbabago at mga desisyon para sa kabanalan ay gawin ngayon at huwag ng ipagpabukas pa. Mga anak kong munti, tinatawagan ko kayong lahat tungo sa kaligtasan at ako ay nangangako upang ipakita ang daan tungo sa kalangitan. Kaya, mga anak kong munti suma akin kayo at magdesisyon para sa kabanalan. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Dragi otroci!V tej božični radosti vas želim blagoslovit s svojim blagoslovom. Na poseben način, otročiči, vam dajem blagoslov malega Jezusa. Naj vas on napolni s svojim mirom. Danes, otročiči, nimate miru, a težite za njim. Zato vas s svojim sinom Jezusom na ta dan kličem: molite, molite, molite; ker brez molitve nimate ne radosti, ne miru, ne bodočnosti. Težite za mirom in iščete ga, a Bog je pravi mir. Hvala vam, ker ste se odzvali mojemu klicu.

Medjugorje messages of year 1999

Mahal kong mga anak! Inaaanyayahan ko kayong muli upang manalangin. Wala kayong dahilan upang lalong gumawa dahil ang kalikasan ay nananatiling mahimbing sa pagkakatulog. Buksan ninyo ang inyong sarili sa pananalangin. Sariwain muli ang pagdarasal sa inyong pamilya. Ilagay ang Banal na Kasulatan sa isang lugar na laging makikita ng buong pamilya, basahin ito, pag-isipan at pag-aralan kung paano magmahal ang Diyos sa lahat ng tao. Ang kanyang pagmamahal ay kusang makikita sa kasalukuyan dahil ako ay kanyang isinugo upang tawagin kayo sa daan ng kaligtasan. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak! Kahit ngayon ako ay sumasainyo sa mabuting paraan ng pagmumunimuni at buhayin si Jesus sa ating puso. Mga anak kong munti buksan ang inyong puso at ipagkaloob ang lahat sa atin at pati ang sa kanila: kaligayahan at kalungkutan ng bawat isa, kahit na ang pinakamaliit na hapdi ay maialay kay Jesus; sa pamamagitan ng walang katumbas na pagmamahal, magniningas at magbabago ang inyong kalungkutan at magiging kaligayahan sa pagkabuhay na muli ni Jesus. Kaya, ngayon ay tinatawagan ko kayo sa mahalagang paraan, mga anak kong munti, para buksan ang inyong puso sa pananalangin, upang sa pamamagitan ng pananalangin ay maging kaibigan ka ni Jesus. Salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak! Tinatawagan ko kayo upang isapuso ang pagdarasal. Sa tanging paraan mga munti kong anak, ako ay tumatawag na manalangin kayo para sa pagabago ng mga makasalanan, para sa mga dumuduro sa aking puso at sa puso ng aking anak na si Hesus ng ispada ng pagkamuhi at araw-araw na pagsasalita ng laban sa kabutihan o katotohanan. Manalangin tayo, mga munti kong anak, para sa mga walang pagnanais na makilala ang pag-ibig ng Diyos, kahit na sila ay nasa simbahan. Ating ipagdasal sa sila ay magbago, para manumbalik ang pag-ibig sa simbahan. Sa pamamagitan lamang ng pag-ibig at pagdarasal, mga munti kong anak, ay mabubuhay kayo sa panahon ito na ibinigay sa inyo para magbago. Unahin ang Diyos, at ang mabubuhay na si Hesus ay inyong magiging kabigan. Marami salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Minamahal kong mga anak, Muli ko kayong tinatawagan upang ipagpatuloy at tunay na ipadama ang paniniwala sa Poong Maykapal. Alam kong kayo'y dumadalangin nang katahimikan sa ibat-ibang paraan, subalit hindi taimtim ninyong ibinibigay ang inyong puso sa kanya upang, ipadama ang tunay niyang pagmamahal. Kaya't, ako ay sumasainyo upang gabayan kayo at ilapit sa kanyang mapagmahal na puso. Kung tunay ninyong mahal ang Diyos higit sa lahat ng bagay, magaan sa inyo ang pagdarasal at maipapadama ang pagmamahal ninyo sa kanya. Salamat sa muli ninyong pagtugon sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak, Kahit ngayon ay tinatawagan ko kayo upang lumuwalhati sa Diyos, na lumalang sa mga kulay ng kalikasan. Siya ay nakikipag-usap sa iyo gayundin kahit sa pinakamaliit na bulaklak tungkol sa kagandahan at katindihan ng pag-ibig na siyang naglalang sa iyo. Mga anak kong munti ang pagdalangin ay magbuhat sana sa inyong mga puso katulad ng malinaw na tubig sa tagsibol. Nawa'y ang trigo sa bukid ay makipag-usap sa iyo tungkol sa habag ng Paginoon sa bawa't nilalang. Dahil dito, magpanibagong simula sa pagdalangin sa lahat ng bagay na ibinigay sa iyo. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayong muli upang maging tagapaglaganap ng kapayapaan. Sa natatanging paraan, ngayong isinasaad na ang Diyos ay nasa malayo, Siya ay totoong hindi naging malapit sa iyo. Tinatawagan ko kayo na manalangin muli ang inyong pamilya sa pamamagitan ng pagbasa ng banal na kasulatan at makaranas ng kasiyahan sa pagtanggap sa Diyos na siyang nagmamahal ng walang katapusan sa lahat ng kanyang nilalang. Salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak! Huwag kayong: Ngayon ay panahon ng biyaya; kaya magdasal, magdasal, magdasal! Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak! Ngayon man ay tinatawagan ko kayo upang manalangin. Sa panahon ngayon ng biyaya, nawa'y ang krus ay maging tanda sa inyo ng pag-ibig at pagkakaisa na siyang pinagmumulan ng tunay na kapayapaan. Dahil dito, mga Munti kong Anak, magdasal lalung-lalo na sa panahon ngayon para ang munting Hesus, ang lumalang ng kapayapaan, ay isilang sa inyong mga puso. Sa pamamagitan lamang ng panalangin na ikaw ay magiging apostoles ng kapayapaan sa mundong ito na walang katahimikan. Dahil dito, manalangin, hanggang ang panalangin ay maging ligaya para sa iyo. Maraming salamat sa unyong pagtugin sa aking pagtawag.
Mahal Kong Mga Anak! Ngayon ay panahon ng biyaya. Munting mga anak, Ngayon sa natatanging paraan kasama ni Hesus, na aking niyayakap sa pagkakahawak sa kanya, ay ibibigay ko sa inyo ang maaring mangyari sa pagdesisyon para sa kapayapaan. Sa pamamagitan ng inyong pagsangayon sa kapayapaan at pagsang-ayon sa Diyos, ay maaring mangyari na ang kapayapaan ay mabuksan. Sa pamamagitan lamang nito, mga munti kong anak, ang siglong ito ay magiging panahon ng kapayapaan at kabutihan ng mga nilikha. Samakatuwid, ay ilagay mo ang bagong silang na si Hesus na siyang pangunahin sa inyong buhay at kayo ay sasamahan niya sa daan ng kaligtasan. Maraming salamat sa inyong pagtungon sa aking pagtawag.

Medjugorje messages of year 2000

Mahal kong mga anak! Gumising kayo sa pagkakatulog sa hindi pananalig at pagkakasala, dahil ngayon ay panahon ng grasya na siyang ipinagkaloob sa inyo ng Panginoon. Gamitin ninyo ang panahon ito at hanapin ninyo ang grasya upang maghilom ang inyong puso buhat sa Diyos, upang inyong makita ang Diyos at tao ng may puso. Magdasal sa natatanging paraan para sa mga ayaw lumapit na makilala ang pagmamahal ng Diyos. At saksihan ng inyong buhay para sila ay matutong lumapit sa Diyos at sa kanyang walang hanggang pagmamahal. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Ang pagpapakita ay nagsimula sa 9:55 ng umaga at tumagal ng mga limang minuto. Ang mahal na Birhen ay nanalangin para sa bawa't isa at binasbasan ang bawa't isa. Si Mirjana ay natatanging itinagubilin ang mga maysakit. Sa panahong ito, ang mahal na Birhen ay hindi bumanggit ng kahit ano sa mga sekreto.
Mga munti kong anak! Huwag maghanap ng katahimikan at kaligayahan ng walang saysay, sa maling lugar at sa maling bagay. Huwag hayaan ang inyong puso ay maging matigas dahil sa labis na pagpapahalaga sa sarili. Tawagin ang pangalan ng aking Anak. Tanggapin Siya sa inyong puso. Sa pamamagitan ng pangalan ng aking Anak kayo ay makakadama ng tunay na ligaya at katahimikan sa inyong puso. Tangi sa paraan lang ito na inyong makikilala ang pagmamahal ng Diyos at pagpapalaganap nito sa dako pa roon. Ako ay tumatawag sa inyo upang aking maging apostoles.
Mga mahal kong anak! Manalangin at gamitin sa mabuti ang panahong ito, dahil ito ang panahon ng biyaya. Ako ay nasa inyo at ako ay mamagitan para sa bawa't isa sa inyo sa harapan ng Diyos, para buksan ang inyong puso at pag-ibig sa Diyos. Mga munti kong anak, manalangin ng walang katapusan, hanggang ang pananalangin ay maging ligaya para sa inyo. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak! Ngayon rin ay tinatawagan ko kayo upang magbago. Ikaw ay masyado ang pag-ala-ala sa mga kagamitang bagay at munti tungkol sa kabanalan ng kaluluwa. Buksan ang iyong puso at magsimula ng mas lalong gumawa para sa pansariling pagbabago. Magpasya araw-araw na mag-ukol ng panahon para sa Diyos at sa pagdarasal hanggang ang pagdarasal ay maging maligayang pakikipagtagpo mo sa Diyos. Sa pamamagitan lamang nito na ang iyong buhay ay magkakaroon ng kahulugan at may ligaya mong iisipin ang walang hanggang buhay.
Mahal kong mga anak! Ako ay nagagalak sa inyo at ngayon ay panahon ng biyaya at tinatawagan ko kayo sa pagbabago ng inyong kaluluwa. Magdasal, mga anak kong munti, upang ang mahal na Espiritu ay pumunta at buong manirahan sa inyo, upang inyong masaksihan na may kagalakan sa mga malayo sa pananampalataya ang kanilang pagbabalik loob. Lalong-lalo na, mga anak kong munti, manalangin sa aginaldo ng mahal na Espiritu upang ang diwa ng pag-ibig, sa araw-araw at sa lahat ng kalagayan, kayo ay maging malapit sa inyong kapwa, at sa pag-iisip at pagmamahal ay maging matagumpay ang lahat ng kahirapan. Ako ay sumasainyo at namamagitan sa bawa't isa sa inyo sa harapan ni Jesus. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo upang magdasal. Ang nagdarasal ay hindi natatakot sa darating na panahon. Mga anak kung munti huwag kalimutan, na ako ay sumasainyo at nagmamahal sa inyong lahat. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak! Huwag ninyong kalilimutan na naririto kayo sa mundong ito tungo sa walang hanggan at sa inyong tahanan sa kalangitan. Dahil dito, mga anak kong munti, maging bukas sa pagmamahal ng Diyos at iwasan ang pagmamataas at kasalanan. Nawa'y inyong matuklasan ang ligaya sa araw-araw na pagdalangin. Dahil dito, gamitin ang inyong panahon upang magdasal, magdasal, magdasal, at ang Diyos ay lalapit sa inyo sa pagdarasal at sa pamamagitan ng pagdarasal. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mga Mahal kong Anak"! Ngayon ay tinatawagan ko kayo upang buksan ang inyong sarili sa pananalangin. Nawa'y ang pananalangin ay maging ligaya para sa inyo. Gawin muli ang pagdarasal sa inyong pamilya at magtatag ng grupo ng mga nanalangin. Sa ganito lamang paraan, na inyong mararanasan ang ligaya sa pagdarasal at pagiging magkasama. Lahat ng nagdarasal at kasapi ng grupo na nanalangin ay bukas sa kanilang puso ang kagustuhan ng Diyos at sumasaksi ng may ligaya sa pag-ibig ng Diyos. Ako ay sumasa inyo. Kayo ay aking dadalhin sa aking puso at aking binibindisyunan ng aking makainang bendisyon. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mga Mahal kong Anak! Ngayon ay ninais ko na buksan sa inyo ang aking makainang puso at kayo ay aking tinatawagan upang manalangin para sa aking mga saloobin. Ninanais ko na kayo ay magpanibagong simula sa pagdarasal at inaanyayahan ko kayo na mag ayuno upang ihandog sa aking anak na si Jesus para sa nalalapit na pagdating ng bagong panahon-panahon ng tagsibol. Ngayon ay panahon ng taon ng Jubilee maraming puso ang nagbukas sa akin at ang simbahan ay muling nagsimula sa Espiritu. Ako ay nagagalak at nagpapasalamat sa Diyos sa aking aginaldo, at kayo, mga anak kong munti ay tinatawagan ko na magdasal, magdasal, magdasal hanggang ang pagdarasal ay maging ligaya para sa inyo. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mga mahal kong anak! Ngayon ang kalangitan ay malapit sa inyo sa natatanging paraan,ako ay tumatawag sa inyo na manalangin upang sa pamamagitan ng panalangin ay inyong mailagay ang Panginoon Diyos una sa lahat. Mga munti kong anak, ngayon ako ay malapit sa inyo at aking kayong binibendisyunan ng aking Makainang Basbas, upang kayo ay magkaroon ng lakas at pag-ibig sa lahat ng taong inyong makakasalimuha sa inyong pamumuhay sa lupa at inyong maibigay ang pag-ibig ng Diyos. Ako ay nagagalak at aking ninais na ipabatid sa inyo na ang inyong kapatid Slavko ay muling isinilang sa langit at sumasainyo. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mga anak kong munti! Ngayon na ipinagkaloob sa akin na ako ay sumasainyo, ang munting Jesus sa aking mga bisig. Ako ay nakikisaya sa inyo at ako ay nagpapasalamat sa Diyos sa lahat ng bagay na kanyang ginawa ngayon taon ng Jubilee. Ako ay nagpapasalamat sa Diyos lalung-lalo na sa lahat ng mga sumagot ng "Oo" sa Diyos ng buong-buo, sa pagtawag sa natatanging paglilinkod sa Diyos Binabasbasan ko kayo ng aking pagpapala at ang bendisyon ng bagong silang na Jesus. Akin kayang ipinagdarasal para sa inyong kaligayahan na isisilang sa inyong mga puso iyong ang ligaya ay inyong madala ngayon. Sa munting sanggol na ito ay aking dinadala ang tagapagligtas sa inyong mga puso at siya ang tumatawag sa inyo sa kabanalan sa buhay. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.

Medjugorje messages of year 2001

Mahal kong mga anak! Ngayon kayo ay aking tinatawagan upang muling isagawa ang pagdarasal at ang pag-aayuno nang mas masigasig hanggang ang pagdarasal ay maging ligaya sa inyo. Munti mga anak, ang sino man magdasal ay hindi matatakot sa darating na panahon at sino man mag-ayuno ay hindi matatakot sa kasamaan. Muli, ay aking inuulit sa inyo:sa pamamagitan lamang ng pagdarasal at pag-aayuno ang digmaan ay matitigil-digmaan ng hindi paniniwala at takot sa darating. Ako ay sumasainyo at kayo ay aking tinuturuan mga munti kong anak: ang inyong katahimikan at pag-asa ay nasa Diyos. Dahil dito maging malapit kayo sa Diyos at Siya ay ilagay sa pangunahin lugar sa inyong buhay. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak. Ngayon ang panahon ng grasya. Kaya nga magdasal, magdasal, magdasal hanggang mabago mo ang pag-mamahal sa Diyos at ng bawat isa sa atin. Maraming salamat sa iyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak! Ngayon rin ay tinatawagan ko kayo upang buksan ang inyong sarili sa pag-darasal. Munti kong mga anak, kayo ay namumuhay sa panahon na binigyan ng maraming grasya ng Diyos pero hindi ninyo alam kung paano gamitin ito sa mabuti. Kayo ay nag-ala-ala sa ibang bagay, pero kaunti sa inyong kaluluwa at espiritual na buhay. Gumising kayo sa inyong kapaguran pagtulog ng inyong kaluluwa at sumagot sa Diyos ng inyong buong lakas. Magdesisyon para sa pagbabago at kabanalan. Ako ay sumasainyo, munti kong mga anak, at kayo ay aking tinatawagn sa kasakdalan ng inyong kaluluwa at sa lahat ng inyong gawain. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa akong pagtawag.
Mahal kong mga anak! Kaya ngayon ay tinatawagan ko kayo upang magdasal. Mga anak kong munti, ang pagdarasal ay may magagawang milagro. Kung kayo ay pagod at maysakit at hindi ninyo alam ang dahilan ng inyong buhay, kunin ninyo ang royaryo at magdasal , magdasal hanggang ang pagdarasal ay maging maligayang pakikipag-kita sa Panginoon. Ako ay sumasainyo , mga anak kong munti , at ako ay mananalangin para sa inyo. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mga anak kong munti! Ngayon ay panahon ng grasya, ako ay tumatawag sa inyo upang manalangin. Mga anak kong munti! Kayo ay nagtatrabaho ng labis-labis ngunit walang bendisyon ng Diyos. Bendisyunan at hanapin ang karunungan ng Banal na Espiritu upang kayo ay ihatid sa panahong ito at maunawaaan na mamuhay na may grasya. Magbago kayo mga anak kong munti at manalangin sa katahimikan ng inyong puso. Ilagay ang Diyos sa gitna ng inyong buhay upang ito ay inyong masaksihan ng may ligaya at kagandahan ng patuloy na ibinibigay niya sa inyong buhay. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mga mahal kong anak! Ako ay sumasainyo at aking kayong binibendisyunan ng aking makainang pagpapala. Lalong-lalo ngayon na ang Panginoon ay nagbigay ng maraming biyaya, magdasal at hanapin ang Diyos sa pamamagitan ko. Ang Diyos ay binigyan kayo ng maraming biyaya, dahil dito, mga munti kong anak gamitin ninyo ang panahon ito ng grasya sa kabutihan at maging malapit sa aking puso upang kayo ay tumahak sa landas na patungo sa aking Anak na si Hesus. Maraming salamat sa inyong pagtugaon sa aking pagtawag.
Mga mahal kong anak! Sa panahon ito ng grasya, ako ay tumatawag sa inyo upang lalong lumapit kayo sa Diyos sa pamamagitan ng iyong sariling pananalangin. Gamitin sa mabuti ang panahon ng pamamahinga at ibigay ang inyong kaluluwa at paningin sa Diyos. Hanapin ang kapayapaan sa kalikasan at inyong matutuklasan ang Diyos na Lumalang upang kayo ay makapagpasalamat para sa lahat na nilalang; matapos ay inyong matatagpuan ang kaligayahan sa inyong puso. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mga anak kong munti! Tinatawagan ko kayo ngayon upang magdesisyon para sa kabanalan. Sana para sa iyo, mga anak kong munti ay lumagi sa inyong isipan at sa lahat ng kalagayan ay laging manguna ang kabanalan. Sa paraang ito, inyong mailalagay sa pagsasanay, paunti-unti, baitang-baitang, pagdarasal at desisyon para sa kabanalan, ay papasok sa inyong pamilya. Maging tapat sa inyong sarili at huwag ninyong itali ang inyong sarili sa makalupang bagay kundi sa Diyos. At huwag ninyong kalimutan, mga anak kong munti, na ang inyong buhay at lilipas din tulad ng bulaklak. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mga mahal kong anak! Tinatawagan ko kayo ngayon upang magdasal, lalo na ngayon na si Satanas ay ninais ang digmaan at pagkapoot. Tinatawagan ko kayo mga anak kong munti upang magbago, manalangin at magsakripisyo upang ang Diyos ay bigyan kayo ng katahimikan. Maging saksi sa katahimikan sa bawa't puso at maging daan sa pagkakaroon ng katahimikan sa mundong ito na walang katahimikan. Sa harapan ng Diyos sa bawa't isa sa inyo ako ay sumasainyo. At huwag kayong matakot dahil ang sinuman nanalangin ay hindi matatakot sa kasamaan at walang poot sa kanyang puso. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mahal kong mga anak! Kaya ngayon ay tinatawagan ko kayo upang magdasal mula sa inyong puso at mahalin ang inyong kapwa. Mga anak kong munti, kayo ang napili upang magpatunay sa katahimikan at kaligayahan. Kung walang katahimikan, magadasal at ng inyong makamtan. Dahil sa inyo at sa inyong pagdarasal, mga anak kong munti, ang katahimikan ang kailangan para sa mundo. Kaya mga anak kong munti, magdasal, magdasal, magdasal, dahil ang pagdarasal ay nakagagawa ng milagro para sa puso ng tao at sa buong mundo. Ako ay sumasainyo at ako ay nagpapasalamat sa Diyos at sa bawat isa na inyo na siyang tumangap ng mataimtim na pagdarasal na seryoso. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mga mahal kong anak! Sa panahon ito ng grasya, ako ay tumatawag sa inyo upang magbalik loob sa pagdarasal. Mga munti kong anak, manalangin at ihanda ang inyong puso sa pagdating ng Hari ng Kapayapaan, na sa pamamagitan ng kanyang bendisyon, Siya ay magbibigay ng kapayapaan sa buong mundo. Ang walang katahimikan ay nagsisimulang mamahay sa puso at pagkapoot ang siyang namamayani sa mundo. Dahil dito kayong nabubuhay sa mensahe ay siyang maging ilaw at paabutin ang inyong kamay sa mundong itong walang pananalig upang ang lahat ay makilala ang Panginoon ng Pagmamahal. Huwag kalimutan, mga munti kong anak, ako ay sumasainyo at kayo ay aking binabasbasan. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa akong pagtawag.
Mahal kong mga anak, Nananawagan ako sa inyo ngayon at hinihikayat na manalangin para sa kapayapaan. Lalong-lalo na ngayong kalong ko sa aking mga bisig ang bagong silang na si Jesus para sa inyo, upang makipag-isa sa kanya sa pamamagitan ng panalangin at maging isang tanda dito sa walang kapayapaang mundo. Hikayatin ang bawat isa mga munti kong anak na manalagin at magmahalan. Naway ang inyong panananampalataya ay lalong makahikayat na manampalataya at magmahalan. Binabasbasan ko kayo at tinatawagan na maging malapit sa aking puso at sa puso ng nino Jesus. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.

Medjugorje messages of year 2002

Mga mahal kong anak, samantalang kayo ay nagbabalik-tanaw pa sa nakaraang taon, tingnan ninyo ang kaibuturan ng inyong puso at magpasiya kayo na maging malapit kayo sa Diyos at sa pananalangin. Mga anak, lubha kayong malapit sa mga bagay na makalupa at malayo sa buhay na maka-Diyos. Sana ang pagtawag ko sa inyo ay makahikayat para kayo ay magpasiya ng para sa Diyos at sa pang-araw-araw na pagbabalik-loob. Hindi kayo makakapagbalik-loob kung hindi ninyo iiwanan ang mga kasalanan at magpapasiya kayo ng pagmamahal na ukol sa Diyos at sa inyong kapwa. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mga mahal kong anak, Sa panahong ito ng biyaya, tinatawagan ko kayo upang maging kaibigan ni Hesus. Ipanalangin ninyo ang kapayapaan sa inyong puso at ang pangsariling pagbabago. Mga anak, sa ganitong paraan lamang ninyo magagawa na maging saksi ng kapayapaan at pagmamahal kay Hesus sa mundong ito. Buksan ninyo ang inyong mga sarili sa pananalangin upang ang pananalangin ay kailanganin ninyo. Magbabo kayo mga anak at magsikap. Kayo upang maraming kaluluwa ang kumilala kay Hesus at sa kanyang pagmamahal. Ako ay malapit sa inyo at pinagpapala ko kayong lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo upang maki-isa kay Hesus sa pagdalangin. Buksan ang iyong mga puso sa Kanya at ibigay sa Kanya ang lahat ng nasasaloob nito: kasayahan, kalungkutan at karamdaman. Nawa'y maging panahon ito ng grasya para sa inyo. Manalangin, mga munti kong anak, at nawa'y lahat ng inyong oras ay maging para kay Hesus. Ako ay kasama ninyo at ako ay sumasainyong lahat. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
Mga mahal kong anak, Makipagdiwang kayo sa akin sa panahong ito ng tagsibol na ang lahat sa kalikasan ay nagsisigising, at ang inyong mga puso ay naghahangad ng pagbabago. Buksan ang inyong sarili mga anak at manalangin. Huwag ninyong kalilimutan na ako ay laging nasa inyo, at ninanais ko na igabay ko kayo sa aking Anak upang bigyan kayo ng handog na tapat na pagmamahal tungo sa Diyos at ang lahat na mula sa kanya. Buksan ang inyong mga sarili sa pananalangin at hanapin ang pagbabago ng inyong mga puso mula sa Diyos; ang lahat ay kanyang nakikita at ipagkakaloob. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mga mahal kong anak, nanawagan ako sa inyo ngayon upang ang pananalangin ay maging pangunahin sa inyong buhay. Mamalangin kayo at nawa'y ang pananalangin ay maging kagalakan sa inyo. Ako'y lagging nasasainyo at mamamagitan para sa inyong lahat mga anak, at nawa'y lagi kayong nagagalak sa pagpapahayag ng aking mensahe. Nawa'y ang buhay ninyo sa aking piling ay maging kagalakan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mga mahal kong anak! Ngayon ako’y nanalangin para sa inyo at kasama ninyo at nawa’y tulungan kayo ng Banal na Espirtu na madagdagan ang inyong pananampalataya ng sa gayon ay lalo ninyong matanggap ang pahayag na ibinibigay ko sa inyo dito sa banal na lugar. Mga anak, unawain ninyo na ito ang panahon nang biyaya para sa bawat isa sa inyo, at sa pamamagitan ko mga anak ay lalo kayong maligtas. Ninanais ko na igabay kayo sa daan ng kabanalan. Ipamuhay ninyo ang aking pahayag at ilagay sa inyong buhay ang bawat katagang ibinibigay ko sa inyo. Nawa’y maging mahalaga ito para sa inyo sapagkat ito ay nagmula sa langit. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak! Ngayon ako’y nagagalak kasama ng inyong mga patron, at tinatawagan ko kayo na maging bukas sa kalooban ng Diyos nang sa gayon, sa iyo at sa pamamagitan mo ay yumabong ang pananampalataya nang bawat taong makatagpo mo sa araw-araw mga anak, manalangin kayo hanggang ang pananampalataya ay maging kagalakan para sa iyo. Hingin ninyo sa inyong banal na tagapangalaga na tulungan kayong lumaki na nagmamahal sa Diyos salamat sa pagtugon ninyo sa akin.
Mahal kong mga anak, Ngayon ako ay kasama n’yo rin sa pananalangin upang pagkalooban kayo nang diyos nang matatag na pananampalataya. Mga anak, maliit ang inyong pananampalataya at hindi ninyo halos alam kung gaano kalaki. Dahil dito, hindi pa kayo handa upang hanapin ang handog ng pananampalataya mula sa Diyos. Ang dahilan kung bakit ako ay kasama ninyo ay para tulungan kayong maunawaan ang aking pahayag at ito ay isabuhay ninyo. Manalangin kayo, manalangin, manalangin, sapagkat sa pamamagitan lamang ng pananampalataya at pananalangin makakatagpo nang kapayapaan ang inyong kaluluwa, at ang mundo ay makakatagpo nang tuwa na makasama ang Diyos. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak, Sa panahong ito ng walang kapayapaan ay tinatawagan ko kayong manalangin. Manalangin kayo para sa kapayapaan ng sa gayon ay madama ng mga tao sa mundong ito ang pagmamahal tungo sa kapayapaan. Makadarama lamang ang tao nang kasiyahan kung kanilang matatagpuan ang kapayapaan sa Diyos at ang pagmamahal ay kakalat sa mundo. At kayo ay tinatawagan sa natatanging paraan upang kayo ay mabuhay at maging saksi sa kapayapaan. Kapayapaan sa inyong mga puso at sa inyong mga pamilya, at sa pamamagitan ninyo nawa'y magsimulang kumalat ang kapayapaan sa mundo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mga anak, ngayon ay tinatawagan ko kayong muli na manalangin. Mga anak maniwala kayo na ang himala ay nagagawa sa pamamagitan ng munting pananalangin. Buksan ang inyong mga puso sa Diyos at Siya ay gagawa ng himala sa inyong buhay. Sa pagtingin sa mga naging bunga ang inyong mga puso ay mapupuno ng tuwa at utang na loob sa Diyos sa lahat ng bagay na ginawa ninyo sa inyong mga buhay pati na sa iba sa pamamagitan ninyo. Manalangin kayo at manampalataya mga anak. Binibigyan kayo ng biyaya at ito ay hindi ninyo nakikita. Manalangin kayo at ito ay inyong makikita. Nawa’y ang araw ninyo ay mapuno ng pananalangin at pasasalamat sa lahat ng ipinagkaloob sa inyo ng Diyos. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak, Tinatawagan ko kayo ngayon para sa pagbabago. Buksan ang inyong mga puso sa Diyos mga anak sa pamamagitan ng pangungumpisal at ihanda ang inyong mga kaluluwa upang ang sanggol na si Hesus ay muling isilang sa inyong mga puso. Paunlakan ninyo siyang baguhin kayo at igabay kayo sa daan ng kapayapaan at tuwa. Mga anak, magpasiya sa pananalangin. Lalo na ngayon na panahon nang biyaya. Nawa’y ang inyong mga puso ay manabik sa pananalangin. Ako ay malapit sa inyo at ipinamamagitan ko kao sa Diyos. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking pananawagan.
Mahal kong mga anak, Ito ay panahon ng dakilang biyaya, ngunit ito rin ang panahon ng malaking pagsubok para duon sa nagnanais na sundin ang daan ng kapayapaan. Dahil diyan, mga anak, muli akong nanawagan na kayo ay manalangin, manalangin, manalangin, hindi sa pamamagitan ng salita kung hindi sa inyong mga puso. Ipamuhay ninyo ang aking mga pahayag sa inyo at magsipagbago kayo. Maging mulat kayo sa handog na ito na ipinagkaloob ng diyos, na ako ay makapiling ninyo lalo na ngayon na hawak ko sa aking mga bisig ang sanggol na si Hesus ang Hari ng kapayapaan, at dalhin ninyo ito sa inyong mga puso at ibigay ninyo sa iba hanggang sa ang kapayapaan ng diyos ay maghari sa mundo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.

Medjugorje messages of year 2003

Mahal kong mga anak, Sa pahayag na ito ay muli ko kayong tinatawagan upang manalangin para sa kapayapaan. Lalo na ngayon na ang kapayapaan ay nasa pangnib, kayo ang manalangin at magin saksi sa kapayapaan. Mga anak kayo ay maging kapayapaan dito sawalang kapayapaang mundo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak, ako ay muling nanawagan para manalangin at magayuno alang-alang sa kapayapaan tulad nang nasabi ko na sa inyo at muli kong inuulit sa inyo mga anak na sa pananalangin at pag aayuno lamang mapipigilan ang paghahamok. Ang kapayapaan ay isang handog nag diyos. Hanapin at manalangin at iyo'y inyong makakamit. Pagusapan ninyo ang kapayapaan at dalhin sa inyong mga puso. Alagaan ito tulad sa isang bulaklak na nangangailangan ng tubig, pagmamahal at liwanag. Maging tagapagdala kayo ng kapayapaan sa iba. Ako ay nasa inyo at mamagitan para sa inyong lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak! Ngayon ako ay muling nanawagan sa inyo pang manalangin para sa kapayapaan, manalanginsa kaibuturan ng inyong mg puso mga anak, at huwag mawawalan ng pag-asa sapagkat mahal ng Diyos ang kanyang mga nilikha. Nais ng Diyos na kayo ay isa-isang maligtas sa pamamgitan ng aking pagdating dito. Tinatawagan ko kayo sa daan ng kabanalan. Manalangin kayo. Sa pananalangin kayo ay bukas sa kalooban ng Diyos; sa ganitong paraan at sa lahat ng ginagawa ninyo ay malalaman ninyo ang plano ng Diyos para sa inyo sa pamamagitan ninyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak, kayo ay muli kong tinatawagan upang buksan ang inyong mga sarili sa pananalangin. Sa panahon ng nagdaang Quaresma napapagkuro-kuro ninyo kung gaano kayo kaliit at kung gaano kaliit ang inyong pananampalataya. Mga anak magpasiya kayo ngayon para sa Diyos, na sa inyo at sa pamamagitan ninyo sana ay mapagbago ninyo ang puso ng mga tao, at gayon din ang inyong mga puso. Maging maligaya kayong tagapagdala ng balita ng pagka-buhay ng Diyos dito sa walang katahimikang mundo na nagnanais sa Diyos at sa lahat ng naauukol mula sa Diyos. Ako ay kasamasama ninyo mga anak, at mahal ko kayo ng isang natatanging pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mga mahal kong anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayong muli para manalangin. Pagbaguhin ninyo ang inyong mga pangsariling pananalangin, at sa kakaibang paraan ay manalangin kayo sa Banal na Espiritu na tulungan kayong manalangin ng bukal sa inyong mga puso. Ipinamamagitan ko kayo mga anak, at tinatawagan ko kayo para magsipagbago. Kung kayo ay magbabago, lahat ng mga nakapaligid sa inyo ay magagsisipagbago rin at ang pananalagin ay magiging tuwa para sa kanila. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mg anak! Muli ko kayong tinatawagan ng may kagalakan upang isa-buhay ang aking mensahe. Ako ay nasasainyo at ako ay nagpapasalamat sa pagsasabuhay ninyo ng aking mga sinasabi sa inyo. Tinatawagan ko kayong muli upang ipanibago ko ang aking mensahe sa inyo ng mayhigit na sigasig at tuwa. Nawa’y ang pananalangin ay maging pang araw-araw ninyong gawain. Salamat sa pagtugon nonyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak! Ngayon ay nananawagan ako sa inyo na kayo ay manalangin. Mga anak, manalangin kayo hanggang ang pananalangin ay maging tuwa para sa iyo. Sa pamamagitan lamang nito ninyo matatagpuan ang kapayapaan sa inyong mga puso at ang inyong kaluluwa ay masisiyahan. Madarama ninyo ang pangangailangan na maging saksi para sa iba ang pagmamahal na inyong nadarama sa inyong mga puso at buhay. Ako ay nasasa-inyo at namamagitan sa Diyos para sa inyong lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak! Tinatawagan ko kayo ngayon upang magpasalamat sa Diyos na nasa inyong mga puso alang-alang sa mga biyayang ipinagkaloob Niya sa inyo sa pamamagitan ng mga pahiwatig at kulay na nasa sa kalikasan. Nais ng Diyos na kayo ay mapalapit sa Kanya at matinag kayo upang siya ay papurihan at pasalamatan. Kung kaya mga anak tinatawagan ko kayong muli upang manalangin, manalangin, manalangin at huwag ninyong kalilimutan na ako ay kapiling ninyo. Ipinamamagitan ko ang bawat isa sa inyo sa Diyos hanggang magkaroon kayo ng ganap na tuwa. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo na maging malapit sa aking puso. Tanging sa ganitong paraan lamang ninyo mauunawaan ang handog ng aking pakikipagpiling sa inyo. Ninanais ko mga anak na igabay kayo tungo sa puso ng aking anak na si Hesus; ngunit tinatanggihan ninyo at hindi ninyo nais na buksan ang inyong mga puso sa pananalangin. Muli mga anak, tinatawagan ko kayo na huwag maging bingi sa aking panawagan ng kaligtasan para sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak! Tinatawagan ko kayo ng panibago upang ihandog ang inyong mga sarili sa aking puso at sa sa mahal na puso ng aking Anak na si Hesus. Ninanais ko mga anak na igabay kayong lahat sa daan ng pagbabago at kabanalan. Tanging sa ganitong paraan lamang at sa pamamagitan ninyo maigagabay ang maraming kaluluwa tungo sa kaligtasan. Huwag ninyong antalahin mga anak , sa halip sabihin ninyo ng buong puso "Nais kong tulungan si Hesus at si Maria upang higit na maunawaan ng aking mga kapatid ang pagtahak sa daan ng kabanalan. Sa ganitong paraan lamang ninyo madarama ang kasiyahan ng pagiging kaibigan ni Hesus. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak, Tinatawagan ko kayo upang ang panahong ito ay maging panghalina sa inyo upang manalangin. Sa panahong ito mga anak, manalangin kayo na si Hesus ay isilang sa inyong mga puso. Higit sa lahat duon sa ayaw kumilala sa kanya. Maging mapagmahal, maging tuwa at kapayapaan kayo dito sa walang katahimikang mundo. Ako'y laging nasa inyo at namamagitan sa Diyos para sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak! Ngayon ay binabasbasan ko kayong lahat ng aking Anak na si Hesus na kalong ko sa aking mga bisig, ang Hari ng kapayapaan, para sa inyo na nawa'y ipagkaloob niya sa inyo ang kanyang kapayapaan. Ako ay lagi ninyong kapiling at mahal ko akyong lahat mga mahal kong anak. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.

Medjugorje messages of year 2004

Mahal kong mga anak! Ngayon ay tinatawagan ko rin kayo para manalangin. Manalangin kayo mga anak sa isang natatanging pananalangin alang-alang sa mga hindi pa nakakaalam sa pagmamahal ng Diyos. Manalangin kayo na mabuksan ang kanilang puso at mapalapit sa aking Mahal na puso at sa Mahal na puso ng aking anak na si Hesus upang sila ay ating mapagbago bilang mga tao ng kapayapaan at pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak! Ngayon at higit magpakailanman ay tinatawagan ko kayo upang buksan ninyo ang inyong mga puso sa aking ipinahayag sa inyo. Mga anak, maging tagapagdala kayo ng mga kaluluwa upang mapalapit sa Diyos. Huwag yaong maglalayo sa kanila. Ako ay nasa sa inyo at minamahal ko kayo ng may tanging pagmamahal. Ito ay panahon ng pagtitika at pagbabago at mula sa kaibuturan ng aking puso ay tinatawagan ko kayong maging akin ng buo ninyong puso at dito lamang ninyo makikita na ang Diyos ay dakila sapagkat ipagkakaloob niya sa inyo ang masaganang biyaya at kapayapaan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon din, tinatawagan ko kayo na buksan ang inyong mga sarili sa pananalangin. Lalo na ngayon sa panahon ng biyaya. Buksan ninyo ang inyong mga puso mga anak at ipahayag ninyo ang inyong pagmamahal sa napapako. Sa ganitong paraan lamang ninyo matatagpuan ang kapayapaan, at ang pananalangin ay magsisimulang umapaw mula sa inyong mga puso patungo sa mundo. Maging halimbawa kayo mga anak at maging pang-akit kayo sa kabutihan. Ako ay malapit sa inyo at mahal ko kayong lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo upang inyong isabuhay ang aking mga mensahe sa inyo ng may lubos na kababaang loob at pagmamahal upang kayo ay mapuno ng biyaya at kalakasan na magmumula sa Diyos Espiritu Santo. Sa ganitong paraan lamang kayo magiging saksi sa tunay na kapayapaan at pagpapatawad. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak. Ngayon ay hinihikayat ko kayo na ihandog ang inyong mga sarile sa aking Puso at sa Puso ng aking anak na si Hesus. Sa ganitong paraan lamang na higit pa kayong mapapasaakin sa bawat araw at magbibigay sigla sa bawat isa patungo sa higit pang kabanalan. Sa pamamagitan nito ligaya ang magiging tuntunin ng inyong mga puso at kayo ay magiging tagapaghatid ng kapayapaan at pagmamahalan. Salamat sa pugtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal Kong Mga Anak! Gayon din sa araw na ito, kaligayahan ang nasa puso ko. Nais kong magpasalamat sa inyo na ang aking panukala ay nagkakaroon ng kaganapan. Samakatuwid, ang bawat isa sa inyo ay mahalaga. Mga anak, manalangin at magsaya kayo kasama ko sa bawat puso na nagbabago at nagiging kasangkapan ng kapayapaan sa mundo, Mga anak, ang grupo ng mga nagdarasal ay malakas at sa pamamagitan nila nakikita ko ang Banal na Espiritu ay patuloy na gumagalaw sa mundo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak"! Tinatawagan ko kayong muling maging bukas sa aking panawagan . Ninanais kong lahat kayo, munti kong mga anak, ay hilahing lalong mapalapit sa aking anak na si Hesus, kaya kayo ay manalangin at mag-ayuno. Tinatawagan ko kayong lalong manalangin para sa aking mga adhikain upang kayo ay aking maidulog sa aking anak na sa Hesus ng kayo ang kanyang mapagbago at mabuksan ang inyong puso sa pagmamahal. Kapag ang puso ay may pagmamahal, kapayapaan ang sasakop sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Kayo ay tinatawagan ko sa pagbabago ng inyong puso. Magpasiya kayo, gaya ng mga unang araw ng aking pagparito para sa buong pagbabago ng inyong buhay. Sa ganitong pamamaraan, munti kong mga anak, magkakaroon kayo ng lakas na lumuhod at buksan ang inyong mga puso sa harap ng Diyos, Diringin at sasagutin ng Diyos ang inyong mga panalangin. Sa harap ng Diyos, ako ay mamagitan sa bawat isa sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Gayon din ngayon tinatawagan ko kayong umibig kung saan may poot, at pagkain kung saan may gutom. Buksan ang inyong mga puso, munti kong mga anak, ilahad ang mga kamay at maging mapagbigay nang sa gayon, sa pamamagitan ninyo, bawa't nilikha ay magpasalamat sa Diyos na lumikha. Magdasal, munti kong mga anak at buksan ang puso sa pagmamahal ng Diyos, na hindi magagawa kapag kayo ay hindi nananalangin. Sa makatuwid manalangin, manalangin, manalangin.Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak! Ito ang panahon ng biyaya para sa mga mag-aanak, kaya kayo ay aking tinatawagang magbago sa pagdarasal. Nawa si Hesus ay sumapuso sa inyong mag-aanak. Sa pagdarasal ay natututo tayong ibigin ang lahat na sagrado. Gayahin ang buhay ng mga santo na nagbibigay sigla at nagiging tagapagturo sa mga landas tungo sa kabanalan. Nawa'y and bawa't mag-anak ay maging saksi ng pag-ibig dito sa mundong walang pagdarasal at kapayapaan. Salamat sa pagtugon sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Sa panahong ito lahat kayo ay tinatawagan ko na magdasal para sa aking mga balak. Lalo na, munti kong mga anak, ipagdasal iyong mga hindi na nakakakilala sa pag-ibig ng Diyos at ang mga hindi sumasangguni sa Diyos na Tagapagligtas. Kayo, munti kong mga anak, ay maging hayag na kamay ko at sa pamamagitan ng iyong halimbawa ay mahila silang mapalapit sa aking puso at sa puso ng aking Anak. Gagantimpalaan kayo ng Diyos ng mga grasya at mga pagpapala. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Gayon din sa ngayon, ikinagagalak kong dalhin ko sa inyo ang aking Anak na si Hesus sa aking mga bisig. Binabasbasan niya kayo at tinatawagan sa kapayapaan. Magdasal munti kong mga anak at maging matatag na mga saksi ng mabuting balita sa lahat ng pagkakataon. Sa ganitong paraan lamang na kayo ipagpapala ng Diyos at sa inyong pananampatalaya ay ibibigay ang lahat ng inyong mga hinihiling. Ako ay laging sasainyo sa kapahintulutan ng Maykapal. Pinamamagitanan ko ng may malaking pagmamahal ang bawa't isa sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.

Medjugorje messages of year 2005

Mahal kong mga Anak! Sa panahon ngayon ng biyaya, tinatawagan ko kayong muli na manalangin sa pagkakaisa ng mga Kristiyano upang sila ay mag-isang puso. Ang pagkakaisa ay sadyang sasainyo habang kayo ay nagdarasal at nagpapatawad. Huwag ninyong kalilimutan: ang pag-ibig ay nasasakop lamang kung kayo ay magdarasal at ang inyong puso ay bubuksan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Tinatawagan ko kayo ngayon na maging aking mga galamay para sa mundong ito na inilalagay ang Diyos sa hulihan. Kayo, munti kong mga anak, ipagpauna sa lahat ang Diyos sa inyong buhay. Ipagpapala kayo ng Diyos at bibigyang lakas sa pagpapatutoo sa Kanya, ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan. Ako ay namamagitan at laging sumasainyo. Munti kong mga anak, huwag ninyong kalilimutan na ang pag-ibig ko sa inyo ay isang mayuming pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo sa ngalan ng pag-ibig. Munti kong mga anak, sa pag-ibig ng Diyos kayo ay magmahalan. Sa bawa't sandali ng kasiyahan at kalungkutan, mamayani nawa ang pag-ibig at sa ganitong paraan, magsisimulang maghari ang pag-ibig sa inyong mga puso. Mapapasainyo ang nabuhay muling si Hesus at kayo ang Kanyang mga magiging saksi. Makikisaya ako sa inyo at ipagtatanggol kayo ng aking mantel bilang isang Ina. Lalong-lalo na, munti kong mga anak, palagi kong susubaybayan ang araw-araw ninyong mga pagbabagong-loob sa pag-ibig. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Gayon din sa araw na ito ay tinatawagan ko kayo na muling buhayin ang pagdarasal sa inyong mga pamilya. Sa pagdarasal at pagbabasa ng Banal na Aklat, nayong ang Espiritu Santo na nagpapabago ay sumainyong mga pamilya. Sa ganitong paraan, kayo ang mga magiging tagapagturo ng pananampalataya sa inyong mga pamilya. Sa inyong pagdarasal at pagmamahalan, ang daigdig ay tatahak sa mas mabuting paraan at ang pag-ibig ay magsisimulang maghari sa mundo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Muli ay tinatawagan ko kayo na isabuhay ng may pagpapakumbaba ang aking mga mensahe. Maging saksi ngayon lalo na sa nalalapit na anibersaryo ng aking mga pagpapakita. Munti kong mga anak, maging tanda doon sa mga malalayo sa Diyos at sa Kanyang pagmamahal. Ako ay laging nasa inyo at binabasbasan kayo ng Maka-Inang pagpapala. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon ay pinasasalamatan ko kayo sa bawa't sakripisyong inialay ninyo para sa aking mga hangarin. Tinatawagan ko kayo, munti kong mga anak, upang maging aking mga alagad ng kapayapaan at pagmamahalan sa inyong mga pamilya at sa sandaigdigan. Manalangin na nawa'y paglinawagin kayo ng Espiritu Santo at ituro sa inyo ang daan ng kabanalan. Ako ay laging sumasainyo at binabasbasan ko kayo ng aking maka-inang pagpapala. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo upang punan ang inyong mga araw ng mga maiiksi at masisigasig na panalangin. Kapag kayo ay nananalangin, buksan ng inyong mga puso at mamahalin kayo ng Diyos ng pagmamahal na natatangi at bibigyan Niya kayo nga mga biyayang bukod-tangi. Samakatuwid, gamitin sa tama ang panahong ito ng pagpapala at ihandog ito sa Diyos ng higit sa lahat ngayon. Kayo ay magnobena, mag-aayuno, at itakwil ang masasama upang lumayo si Satanas sa inyo at sa lahat ng mga kabutihang nakapaligid sa inyo. Naririto lamang ako sa tabi ninyo at namamagitan para sa inyong lahat sa harap ng Diyos. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo upang buhayin ang aking mga pahayag. Pinagkalooban kayo ngayon ng Diyos nang panahon ng biyaya. Samakatuwid, munti kong mga anak, gamitin sa tama ang bawa't sandali at manalangin, manalangin, manalangin. Kayo ay aking binabasbasan at ako ay namamagitan sa harap ng Kaitaas-taasan para sa bawa't isa sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Tinatawagan ko kayo sa ngalan ng pagmamahalan, magbagong-loob kayo, kahit malayo ako sa inyong mga puso. Huwag ninyong kalimutan na ako ang inyong Ina at nararamdaman ko ang kirot sa bawa't isa sa inyo na malayo sa aking puso; nguni't hindi ko kayo iiwanang nag-iisa. Naniniwala akong lilisanin ninyo ang landas ng kasalanan at pipiliin ang kabanalan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Munti kong mga anak, manalig, manalangin at magmahalan, at ang Diyos ay malalapit sa inyo. Pagkakalooban Niya kayo ng mga biyayang inyong hinahanap mula sa Kanya. Ako ay kaloob Niya sa inyo sapagka't araw-araw, pinahihintulutan ako ng Diyos na sumainyo at na mahalin ko ang bawa't isa sa inyo ng walang hangganang pagmamahal. Samakatuwid, munti kong mga anak, sa panalangin at pagpapakumbaba ng loob, buksan ang inyong mga puso at maging saksi kayo ng aking pagdadalo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo upang manalangin, manalangin, manalangin hanggang ang panalangin ay siya ninyong maging buhay. Munti kong mga anak, sa ngayon, sa natatanging pamamaraan, nananalangin ako sa harap ng Panginoon na pagkalooban kayo ng biyaya ng paniniwala. Tanging sa paniniwala lamang ninyo matutukasan ang kasiyahan ng biyaya ng buhay na ibinigay sa inyo ng Panginoon. Magdiriwang ang inyong mga puso sa pag-iisip ng buhay na walang hangganan. Ako ay sumasainyo at minamahal ko kayo ng magiliw na pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon din, pangko sa aking mga bisig, inihahandog ko sa inyo ang Hesus na sanggol, Hari ng Kapayapaan. Munti kong mga anak, sa natatanging pamamaraan, tinatawagan ko kayo upang maging aking mga tagahatid ng kapayapaan sa mundong walang katahimikan. Ipagpapala kayo ng Diyos. Munti kong mga anak, huwag ninyong kalilimutan na ako ang inyong ina. Binabasbasan ko kayo ng katangi-tanging biyaya, kasama ang Hesus na sanggol sa aking mga bisig. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.

Medjugorje messages of year 2006

Mahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo upang maging tagapagdala ng Ebanghelyo sa inyong mga pamilya. Huwag ninyong kalilimutan, munti kong mga anak, na basahin ang Sagradong Salita. Ilagay sa lugar na makikita at saksihan ng inyong mga buhay na kayo'y mga naniniwala at namumuhay sa Salita ng Diyos. Malapit ako sa inyo sa aking pagmamahal at namamagitan ako sa harap ng aking Anak para sa bawa't isa sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Sa panahon ng mabiyayang Kuwaresma, nananawagan ako sa inyong buksan ang inyong mga puso sa mga kaloob na nais ibigay sa inyo ng Diyos. Huwag ninyong ipinid ang inyong mga sarili, kundi sa pamamagitan ng mga panalangin at pagtakwil sa masasamang gawi, umayon kayo sa Diyos at bibigyan Niya kayo ng kasaganahan. Tulad ng tagsibol, nakabukas ang daigdig sa mga binhi na nagbibigay daan sa walang hangganang bunga, gayun din ang inyong Ama sa langit ay bibigyan kayo ng labis-labis. Ako ay sumasainyo at minamahal ko kayo, munti kong mga anak, ng magiliw na pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Katapangan, munti kong mga anak! Pinili kong akayin kayo sa landas ng kabanalan. Iwaksi ang mga kasalanan at magtungo sa landas ng kaligtasan, ang landas na pinili ng aking Anak. Sa pamamagitan ng inyong mga pagsusubok at paghihirap, ang Maykapal ang siyang tutuklas para sa inyo ng daan tungo sa kasiyahan. Samakatuwid, munti kong mga anak, kayo ay manalangin. Kami ay nalalapit sa inyo sa pamamagitan ng aming pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo na magtiwala sa akin at sa aking Anak. Pinagtagumpayan Niya ang Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay at sa pamamagitan ko ay tinatawagan Niya kayo upang maging bahagi ng Kanyang kasiyahan. Hindi ninyo nakikita ang Diyos, munti kong mga anak, nguni't kung kayo'y mangagdarasal ay mararamdaman ninyo na Siya'y nalalapit lamang. Ako ay sumasainyo at namamagitan sa harap ng Diyos para sa inyong lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon din ay nananawagan ako na isagawa at mamuhay kayo ayon sa mga ibinigay kong mga tagubilin sa inyo. Pagpasyahan ang kabanalan, munti kong mga anak, at isipin ang kalangitan. Sa ganitong pamamaraan lamang kayo magkakaroon ng kapayapaan sa inyong mga puso na sinoman ay walang makalilipol. Ang kapayapaan ay isang handog na ikinakaloob sa inyo sa pamamagitan ng panalangin. Munti kong mga anak, hanapin at gamitan ng buo ninyong lakas na manaig ang kapayapaan sa inyong mga puso at sa buong sandaigdigan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ng may malaking kagalakan, ako ay nagpapasalamat sa lahat ng mga panalangin, na sa mga panahong ito, ay iniaalay ninyo para sa aking intensiyon. Alamin ninyo, munti kong mga anak, na ito ay hindi ninyo pagsisisihan, kayo at kahit pa man ng mga anak ninyo. Kayo ay gagantimpalaan ng Diyos ng mahihigit na biyaya at makakamtan ninyo ang buhay na walang hanggan. Ako ay nalalapit lamang sa inyo, at salamat sa lahat ng tumanggap ng aking mga pasabi sa buong panahong ito, sa mga nagbuhos ng aking mga mensahe sa kanilang mga buhay at nagpasiya ng kabanalan at kapayapaan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Ang mapangitaing si Ivanka Ivankovic-Elez ay nagkaroon ng regular niyang pangitain noong ika-25 ng Hunyo, 2006. Ayon sa mga mapangitain, sina Vicka, Marija at Ivan ay patuloy pa ring nagkakaroon ng pangitain araw-araw, at sina Mirjana, Ivanka and Jakov ay nagkakaroon ng pangitain minsan kada isang taon.
Sa huli niyang pangitain noong ika-7 ng Mayo 1985, ipinagkatiwala ng Ating Ina kay Ivanka ang ikasampung lihim at sinabi Niya dito na siya ay magkakaroon ng pangitain minsan isang taon sa anibersaryo ng mga pangitain. Gayun ang nangyari nitong taon na ito. Tumagal ang pangitain ng pitong minuto. Nagkaroon ng pangitain si Ivanka sa kanyang tahanan sa harap ng kanyang pamilya, ng kanyang asawa at tatlong anak. Ibinigay ng Ating Ina ang mga sumusunod na mensahe:
Mahal kong mga anak, Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan. Manalangin, manalangin, manalangin.
Masaya ang Ating Ina at nagsalita ng patungkol sa ikapitong lihim.
Mahal kong mga Anak! Sa panahong ito, huwag ninyong isipin ang katiwasayan ng katawan lamang subali't, munti kong mga anak, hanapan din ng oras ang para sa kaluluwa. Nawa'y sa katahimikan ay magpahayag sa inyo ang Espiritu Santo at hayaan ninyo Siyang hikayatin at baguhin kayo. Ako ay sumasainyo at sa harap ng Diyos ay namamagitan para sa bawa't isa sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo upang manalangin, manalangin, manalangin. Sa pamamagitan lamang ng panalangin kayo mapapalapit sa akin at sa aking Anak at makikita ninyo kung gaanong kaiksi ang buhay. Sa inyong mga puso ay isisilang ang hangarin ng kaluwalhatian. Ang kagalakan ay magsisimulang maghari sa inyong mga puso at ang panalangin ay aagos na parang ilog. Sa inyong mga pananalita ay panay lamang mga pasalamat sa Diyos para sa Kanyang paglalang sa inyo at ang pagnanasa ninyo sa kabanalan ay magiging katotohanan para sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon din ako ay sumasainyo at tinatawagan ko kayong lahat na lubusin ang pagbabagong-loob. Piliin ang Diyos, munti kong mga anak, at makikita ninyo sa Diyos ang kapayapaang hinahanap ng inyong mga puso. Tularan ang buhay ng mga taong banal at nawa'y maging mga halimbawa sila sa inyo; at ako naman ay magbibigay-diwa sa inyo habang pinahihintulutan ako ng Makapangyarihang Diyos na sumainyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon ay pinahihintulutan ako ng Panginoon na ipaalam muli sa inyo na kayo ay nabubuhay sa panahon ng biyaya. Hindi ninyo namamalayan, munti kong mga anak, na binibigyan kayo ng Diyos ng malaking pagkakataon na magbagong-loob at mamuhay ng mapayapa at sa loob ng pagmamahalan. Kayo ay bulag at nakakapit sa mga bagay na makalupa at iniisip lamang ang buhay na makamundo. Isinugo ako ng Diyos upang akayin kayo sa buhay na walang-hanggan. Ako, munti kong mga anak, ay hindi napapagod, nguni't nakikita ko na ang inyong mga puso ay mabigat at pagod sa lahat ng biyaya at handog. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo upang manalangin, manalangin, manalangin Munti kong mga anak, kapag kayo ay nangagdarasal, nalalapit kayo sa Diyos at ibinibigay Niya sa inyo ang pag-aasam ng walang hangganan. Ito ang panahon na kinakailangan ninyong higit na pag-usapan ang tungkol sa Diyos at gumawa ng higit pa para sa Diyos. Samakatuwid, munti kong mga anak, huwag ninyo Siyang labanan at sa halip ay hayaan ninyo Siyang akayin kayo, baguhin kayo, at patuluyin sa inyong buhay. Huwag ninyong limutin na kayo ay mga manlalakbay na tumutungo sa buhay na walang hanggan. Kaya nga, munti kong mga anak, hayaan ang Diyos na matnubay sa inyo tulad ng patnubay ng isang pastol sa kanyang kawan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon din ay dala-dala ko sa inyo pangko sa aking bisig ang bagong-silang na si Jesus. Siya na Hari ng Kalangitan at kalupaan, Siya ang inyong kapayapaan. Munti kong mga anak, wala nang makapagbibigay sa inyo ng kapayapaan kundi Siya na Hari ng Kapayapaan. Samakatuwid, purihin Siya sa inyong mga puso, piliin Siya at katutuwaan Niya kayo. Babasbasan Niya kayo ng biyaya ng kapayapaan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Sa huling araw-araw na pagpapakita kay Jakov Colo noong ika-12 ng Setyembre, 1998, sinabi sa kanya ng Ating Ina na magmula noon siya ay pagpapakitaan minsan isang taon, tuwing ika-25 ng Disyembre, sa araw ng Kapaskuhan. Gayun din ngayong taong ito. Ang pangitain ay nagsimula ng 3:32 ng hapon at tumagal ng 6 na minuto.
Ngayon ay dakilang araw ng kasiyahan at kapayapaan. Magdiwang kayong kasama ko. Munti kong mga anak, sa katangi-tanging paraan, tinatawagan ko ang kabanalan sa inyong mga pamilya. Hinahangad ko, munti kong mga anak, na bawa't pamilya ay maging banal at ang kasiyahan at kapayapaan ng Diyos, na ibinibigay sa inyo ng Diyos sa di-pangkaraniwang paraan, ay siya sanang maghari at manirahan sa inyong mga pamilya. Munti kong mga anak, buksan ang inyong mga puso ngayong araw na ito ng biyaya, piliin ang Diyos at ipagpa-una siya sa lahat ng bagay sa inyong mga pamilya. Ako ang inyong Ina. Mahal ko kayo at ibinibigay sa inyo ang Maka-inang Biyaya.

Medjugorje messages of year 2007

Mahal Kong Mga Anak! Ilagay ang Banal na Kasulatan sa dakong madaling makita ng inyong pamilya at basahin ito. Sa ganitong pamamaraan, matututunan ninyo sa inyong mga puso ang mga panalangin at masasaisip ninyo palagi ang Diyos. Huwag ninyong kalilimutan na dumadaan lamang tayo na parang mga bulaklak sa bukid, na nakikita mula sa malayo nguni't naglalaho sa paglipas ng maiksing saglit. Munti kong mga anak, mag-iwan ng tanda ng kabutihan at pagmamahalan sa bawa't inyong pagdaan at babasbasan kayo ng Diyos ng labis-labis Niyang biyaya. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal Kong Mga Anak! Buksan ang inyong mga puso sa habag ng Diyos ngayong panahon ng Mahal na Araw. Hinahangad ng ating Ama sa Kalangitan na iligtas tayong lahat sa mapang-aliping kasalanan. Samakatuwid, munti kong mga anak, gamitin ng tama ang panahong ito at sa pamamagitan ng pakikipagkita sa Diyos sa pangungumpisal, iwanan ang kasalanan at pagpasyahan ang kabanalan. Gawin ito ng dahil sa pagmamahal kay Hesus na tumubos sa inyong lahat sa pamamagitan ng Kanyang Dugo, upang kayo ay maging masaya at mapayapa. Huwag ninyong kalilimutan, munti kong mga anak: ang inyong kalayaan ay siya ninyong kahinaan, samakatuwid ay sundin ang aking mga pahayag ng may kahalagahan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Nais kong pasalamatan kayo mula sa aking puso sa lahat ng inyong mga tinalikuran ngayong Mahal na Araw. Nais kong pukawin ang inyong mga kalooban na ipagpatuloy ang pag-aayuno ng may bukas na puso. Sa pamamagitan ng pag-aayuno at pagtatakwil, munti kong mga anak, mas lalakas ang inyong paniniwala. Sa Diyos ay matatagpuan ninyo ang tunay na kapayapaan sa pamamagitan ng pagdarasal araw-araw. Ako ay sumasainyo at hindi ako napapagod. Ninanais kong isama kayo lahat sa akin sa Kalangitan, kung kaya piliin araw-araw ang kabanalan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo na magbagong-loob. Buksan ang inyong mga puso. Ito ay panahon ng biyaya habang ako ay sumasainyo, gamitin ito sa tama. Sabihin ninyo: 'Ito ang panahon para sa aking kaluluwa.' Ako ay sumasainyo at minamahal ko kayo ng walang hangganang pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Samahan ninyo akong manalangin sa Espiritu Santo upang akayin Niya tayo sa pagsasaliksik natin sa kalooban ng Diyos patungo sa ating kabanalan. At kayo na siyang malayo sa panalangin, magbagong-loob, at sa katahimikan ng inyong mga puso, hanapin ang kaligtasan ng inyong mga kaluluwa at hubugin ito ng panalangin. Isa-isa ko kayong ipinagpapala ng maka-ina kong biyaya. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal Kong Mga Anak! Gayon din sa araw na ito, ng may malaking kagalakan sa aking puso, tinatawagan ko kayo na magbagong-loob. Munti kong mga anak, huwag ninyong kalilimutan na kayo ay mahalaga sa dakilang planong ito, na pinangungunahan ng Diyos sa pamamagitan ng Medjugorje. Ninanasa ng Diyos na baguhin ang kalooban ng mundo at tawagin ito sa kaligtasan at sa daan patungo sa Kanya, Siya na simula at wakas ng lahat ng nilalang. Sa katangi-tanging paraan, munti kong mga anak, mula sa kaibuturan ng aking puso, tinatawagan ko kayo na buksan ang inyong kalooban sa dakilang grasya na ibinibigay sa inyo sa pamamagitan ng pagharap ko dito. Nais kong pasalamatan kayong lahat sa mga sakripisyo at panalangin. Ako ay sumasainyo at binabasabasan ko kayong lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon, sa araw ng Patron ng inyong Parokya, tinatawagan ko kayo upang tularan ang buhay ng mga Banal. Nawa'y maging mga halimabawa sila para sa inyo at mga tagapagpalakas ng loob tungo sa buhay ng kabanalan. Ang mga dalangin nawa ay maging tulad ng hangin na inyong hinihinga at hindi isang pasanin. Munti kong mga anak, ipagtatapat sa inyo ng Diyos ang Kanyang pagmamahal at mararanasan ninyo ang kasiyahan na kayo ay minamahal. Babasbasan kayo ng Diyos at bibigyan Niya kayo ng masaganang biyaya. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo na magbagong-loob. Nawa'y ang inyong buhay, munti kong mga anak, ay maging anino ng kabutihan ng Diyos at hindi ng kapootan at kataksilan. Manalangin, munti kong mga anak, na ang panalangin ay maging buhay para sa inyo. Sa pamamagitan nito, matutuklasan ninyo sa buhay ninyo ang kapayapaan at kagalakan na ibinibigay ng Diyos sa may mga bukas na puso sa Kanyang pagmamahal. At kayo na malalayo sa awa ng Diyos, magsipagbagong-loob kayo upang hindi maging bingi sa panalangin ninyo ang Diyos at upang hindi pa maging huli ang lahat. Samakatuwid, sa panahong ito ng biyaya, magbagong-loob kayo at ipanguna ang Diyos sa inyong buhay. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayong lahat upang pagliyabin ang inyong mga puso ng may masigasig na pagmamahal sa Ipinako, at huwag ninyong kalilimutan na, dahil sa pagmamahal sa inyo, ibinigay Niya ang Kanyang buhay upang kayo ay mailigtas. Munti kong mga anak, kayo ay magnilay-nilay at manalangin na ang inyong mga puso ay magbukas sa pagmamahal ng Diyos. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Pinadala ako ng Diyos sa piling ninyo upang mapatnubayan ko kayo patungo sa landas ng kaligtasan. Marami sa inyo ang nagbukas ng kanilang mga puso at tumanggap ng aking mga balita, nguni't marami ding mga nangawala sa landas na ito at hindi nakakakilala sa Diyos ng pag-ibig sa kabuuan ng kanilang puso. Samakatuwid, tinatawagan ko kayo upang maging pag- ibig at ilaw kung saan may kadiliman at kasalanan. Ako ay sumasainyo at nagbabasbas sa lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayong ipinagdiriwang ninyo si Kristong Hari ng lahat ng nilalang, ninanais ko para sa Kanya na maging Hari din Siya ng inyong mga buhay. Sa pamamagitan ng pagbibigay, munti kong mga anak, ay mauunawaan ninyo ang sakripisyong inialay ni Hesus sa Krus para sa bawa't isa sa inyo. Munti kong mga anak, maglaan kayo ng panahon para sa Diyos upang mapagbago Niya kayo at upang punuin Niya kayo ng grasya, nang kayo naman ay maging biyaya rin para sa iba. Para sa inyo, munti kong mga anak, ako ang kaloob na biyaya at pagmamahal, na nagmumula sa Diyos para sa mundong ito na walang katahimikan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Nang may malaking kagalakan, inihahandog ko sa inyo ang Hari ng Kapayapaan upang kayo ay mabasbasab ng kanyang mga biyaya. Purihin Siya at bigyang-oras ang ang Maylikha na isinasamo ng inyong mga puso. Huwag ninyong kalilimutan na dumaraan lamang kayo sa mundong ito at habang ang lahat ng bagay ay makapagbibigay sa inyo ng mga munting ligaya, sa pamamagitan ng aking Anak ay mapapasainyo naman ang buhay na walang hanggan. Kaya ako ay sumasainyo, upang akayin kayo sa landas patungo sa isinasamo ng inyong mga puso. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.

Medjugorje messages of year 2008

Mahal Kong Mga Anak! Sa panahon ng Mahal na Araw, nalalapit kayo sa oras ng biyaya. Ang mga puso ninyo ay tulad ng mga lupang inararo na handang tumanggap ng binhing sisibol sa anumang kabutihan. Kayo, munti kong mga anak, ay malayang mamili ng kabutihan o ng kasamaan. Samakatuwid, tinatawagan ko kayo upang manalangin at mag-ayuno. Magtanim ng kaligayahan at ang bunga ng kaligayahan ay tutubo sa inyong mga puso para sa inyong ikabubuti, at makikita ito ng iba at tatanggapin ito sa pamamagitan ng inyong buhay. Itatwa ang kasalanan at piliin ang buhay na walang hanggan. Ako ay sumasainyo at namamagitan para sa inyo sa harap ng aking Anak. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Sa panahong ito ng grasya, tinatawagan ko muli kayo na manalangin at talikdan ang kasalanan. Nawa'y ang inyong araw ay masamahan ninyo ng masigasig na panalangin para sa mga hindi nakakakilala sa pagmamahal ng Panginoon. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Tinatawagan ko kayong pagpursigihan ang pansariling pagbabagong-loob. Malayo pa ninyong matagpuan ang Diyos sa inyong mga puso. Samakatuwid, gugulin ang inyong mga oras sa panalangin at pagsamba kay Hesus sa Dambana ng Kabanal-banalang Sakramento, na kayo ay kanyang baguhin at upang ilagay Niya sa inyong mga puso ang nabubuhay na paniwala at ang pagnanasa sa buhay na walang hanggan. Ang lahat ay lumilipas, munti kong mga anak, tanging ang Diyos lamang ang hindi lumilipas. Ako ay sumasainyo at pinasisigla ko kayo ng aking pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan."
Mahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayong lahat na mabuhay sa pagmamahal ng Diyos tulad ng bulaklak na nakadarama ng mainit na sinag ng araw sa panahon ng tagsibol. Sa pamamagitan nito, kayo rin, munti kong mga anak, ay mabubuhay sa pagmamahal ng Diyos at madadala ito sa mga malalayo sa Diyos. Hanapin ang kalooban ng Diyos at maging mabuti sa mga taong itinadhana ng Diyos na inyong makatagpo, at maging mga ilaw at kasiyahan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon din, nang may malaking kagalakan sa aking puso, tinatawagan ko kayong sumunod sa akin at makinig sa aking mga pasabi. Maging mga masasayang tagahatid ng kapayapaan at pag-ibigl sa mundong ito na walang katahimikan. Ako ay sumasainyo and binabasbasan ko kayong lahat sa kasama ng aking Anak na si Hesus, Hari ng Kapayapaan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Sa panahong ito na nakakaisip kayong mamahinga, tinatawagan ko kayo na magbagong loob. Manalangin at kumilos upang ang inyong mga puso ay manabik sa Diyos na Lumikha na siyang tunay na katahimikan ng inyong kaluluawa't katawan. Nawa'y ipakita Niya sa inyo ang kanyang mukha at bigyan Niya kayo ng Kanyang kapayapaan. Ako ay sumasainyo at namamagitan palagi sa Diyos para sa bawa't isa sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo sa pansariling pagbabagong-loob. Kayo na syang mga magbabagong-loob, sa pamamagitan ng inyong buhay, ay makakasaksi, magmamahal, magpapatawad, at magdadala ng kasiyahan ng Siya na Nabuhay Muli sa daigdig na ito, kung saan ang aking Anak ay namatay at kung saan ang mga katauhan ay mga hindi nakadarama na Siya ay hanapin at tuklasin sa kanilang mga buhay. Sinasamba ninyo Siya, at nawa'y ang inyong mga pag-asa ay siyang mga maging pag-asa para sa mga pusong hindi nakakakilala kay Hesus. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Nawa'y ang panibago ninyong buhay ay iukol sa katahimikan. Maging masiyahing tagapagdala ng kapayapaan at huwag ninyong limutin na nabubuhay kayo sa panahon ng biyaya, na kung saan ay ibinibigay sa inyo ng Diyos mga kahanga-hangang kabutihan sa pamamagitan ng aking pagdalo. Huwag ninyong ipinid ang inyong mga sarili, sa halip ay gamitin ng mabuti ang panahong ito at hanapin ang handog na kapayapaan at pag-ibig para sa inyong mga buhay upang kayo ay maging mga saksi sa iba. Binabasbasan ko kayo ng maka-inang pagpapala. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Sa katangi- tanging pamamaraan, tinatawagan ko kayo na manalangin para sa aking mga hangarin upang, sa pamamagitan ng inyong mga panalangin, ay mapigilan si Satanas sa kanyang mga balak para sa mundong ito, na palayuin kayo araw-araw sa Panginoon, at ilagay ang sarili niya sa lugar ng Diyos at sirain lahat ng mabuti at tama sa kaluluwa ng bawa't isa sa inyo. Samakatuwid, munti kong mga anak, sandatahan ninyo ang inyong mga sarili ng mga panalangin at pag-aayuno upang mamalayan ninyo kung gaano kayong kamahal ng Diyos at nang maisakatuparan ninyo ang kalooban ng Diyos. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon din ay nananawagan ako, sa panahong ito ng biyaya, na ipanalangin na ipanganak ang sanggol na Hesus sa inyong mga puso. Nawa'y Siya, na mismong katahimikan, ay magbigay ng katahimikan sa buong mundo sa pamamagitan ninyo. Samakatuwid, munti kong mga anak, manalangin ng walang patid sa magulong mundong ito na walang katahimikan, upang kayo'y maging mga saksi ng kapayapaan para sa lahat. Nawa'y dumaloy ang pag-asa sa inyong mga puso na maging ilog ng biyaya. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Kayo ay mga nagsisitakbo, nagsisipagtrabaho, nagtitipon - nguni't walang biyaya. Hindi kayo nananalangin! Ngayon ay tinatawagan ko kayo na tumigil sa harapan ng sabsaban at magnilay-nilay kay Hesus, na siyang ibinibigay ko sa inyo ngayon, upang mabasbasan kayo at tulungang maunawaan na, kung Siya'y wala, kayo'y walang kinabukasan. Samakatuwid, munti kong mga anak, isuko ang inyong mga buhay sa kamay ni Hesus, na kayo ay Kanyang mapatnubayan at maipagtanggol sa lahat ng kasamaan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.

Medjugorje messages of year 2009

Mahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo na manalangin. Nawa'y ang panalangin ay maging tulad ng binhi na ilalagay ninyo sa aking puso, na para sa inyo ay siya ko namang ibibigay sa aking Anak na si Hesus, para sa kaligtasan ng inyong mga kaluluwa, upang mapaibig kayo sa buhay na walang hanggan na siya ninyong kinabukasan, at upang lahat ng makamundong bagay ay maging tulong para sa inyo na mapalapit sa Diyos na Tagalikha. Ako ay matagal nang sumasainyo sapagka't kayo ay nasa maling landas. Sa pamamagitan lamang ng aking tulong, munti kong mga anak, mabubuksan ang inyong mga mata. Marami sa inyo, na sa pag-ayon sa aking mga mensahe, ay nakauunawa na sila ay nasa daan patungong kabanalan magpasawalang hanggan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Sa panahong ito ng pagtalikdan, panalangin at penitensya, tinatawagan ko kayong muli: humayo kayo at ikumpisal ang inyong mga kasalanan upang buksan ng biyaya ang inyong mga puso at pahintulutan nito na kayo ay magbago. Magbagong-loob kayo, munti kong mga anak, at buksan ang inyong mga sarili sa Diyos at sa Kanyang mga balak para sa bawa't isa sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Sa panahong ito ng tagsibol, kung kailan ang lahat ay gumigising mula sa pagkakatulog noong taglamig, gigisingin rin ninyo ang inyong mga kaluluwa ng may kasamang panalangin upang maging handa ang mga ito na tanggapin ang ilaw ni Hesus na Siyang nabuhay muli. Munti kong mga anak, nawa'y ilapit Niya kayo sa Kanyang Puso upang maging bukas kayo sa buhay na walang hanggan. Ipinapanalangin ko kayo at namamagitan sa harap ng Kaitaas-taasan para sa inyong buong pusong pagbabago. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Nananawagan ako ngayon na manalangin kayo para sa kapayapaan at upang masaksihan ito sa inyong mga pamilya na ang kapayapaan ay siyang maging pinakamahalagang kayamanan sa magulong mundong ito. Ako ang inyong Reyna ng Kapayapaan at ang inyong Ina. Nais kong pamatnubayan kayo sa landas ng kapayapaan, na sa Diyos lamang nagmumula. Samakatuwid, manalangin, manalangin, manalangin. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak! Sa panahong ito, tinatawagan ko kayong lahat na manalangin sa pagdating ng Espiritu Santo sa lahat ng nilalang na binyagan, upang baguhin kayong lahat ng Espiritu Santo at ituro kayo sa daan kung saan masasaksihan ninyo ang inyong pananampalataya - kayo at ang lahat ng malayo sa Diyos at sa Kanyang Pagmamahal. Ako ay sumasainyo at namamagitan para sa inyo sa harap ng Kaitaas-taasan. Salamat sa inyong pagtugon sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Makipagdiwang kayo sa akin, manibagong loob ng may kasiyahan at magbigay pasalamat sa Diyos sa handog niyang humarap ako sa inyo. Manalangin, sa inyong mg puso, na ang Diyos ang siyang maging sentro ng inyong buhay at sa pamamagitan ng inyong buhay, masaksihan, munti kong mga anak, upang lahat ng nilalang ay maramdaman ang pagmamahal ng Diyos. Nawa'y kayo ang mga maging nakaabot kong mga kamay para sa lahat ng nilalang, upang mapalapit ang lahat sa pagmamahal ng Diyos. Binabasbasan ko kayo ng maka-inang pagpapala. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Nawa'y ang panahong ito ay maging panahon ng pananalangin para sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo muli na magbagong-loob. Mga munti kong anak, hindi pa sapat ang inyong kabanalan at hindi pa tumatanglaw ang kabanalan ninyo sa iba, samakatuwid, manalangin, manalangin, manalangin, at sikaping paguhin ang inyong mga kalooban, upang maging palatandaan kayo ng pag-ibig ng Diyos sa isa't isa. Ako ay sumasainyo at pinapatnubayan kayo tungo sa walang hanggan. na siyang inaasam ng bawa't puso. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Pagsumikapan ninyo nang may kasiyahan ang pagbabagong loob. Ialay ang lahat ng inyong mga tuwa at kalungkutan sa aking Imakuladang Puso upang maakay ko kayo sa aking pinakamamahal na Anak, at matagpuan ninyo ang kasiyahan sa Kanyang Puso. Ako ay sumasainyo upang turuan kayo at akayin patungo sa buhay na walang hanggan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Dala ko ngayon ang aking pagbabasbas. Binabasbasan ko kayo at nananawagan na mabuhay ng ganitong pamamaraan, na siyang pinangunahan ng Diyos sa pamamagitan ko para sa inyong kaligtasan. Manalangin, mag-ayuno at maging saksi ng inyong mga paniniwala ng may kasiyahan, munti kong mga anak, at nawa'y ang inyong mga puso ay palaging puno ng panalangin. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Sa panahong ito ng biyaya tinatawagan ko kayo na buhayin muli ang panalangin sa inyong mga pamilya. Ihanda ang inyong mg sarili sa kasiyahan ng pagdating ni Hesus. Munti kong mga anak, nawa'y maging malinis ay kasiya-siya ang inyong mga puso, upang ang init ng pag-ibig ay dumaloy mula sa inyo patungo sa mga pusong malalayo sa Kanyang pagmamahal. Munti kong mga anak, maging mga nakaabot na kamay ko kayo, mga kamay ng pagmamahal para sa mga naliligaw ang landas, sa mga nawalan ng tiwala't pag-asa. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Sa masayang araw na ito, dinadala ko kayong lahat sa harap ng aking Anak, ang Hari ng Kapayapaan, na bigyan Niya kayo ng Kanyang kapayapaan at biyaya. Munti kong mga anak, sa pagmamahal ay bahaginan ninyo ang iba ng kapayapaan at biyayang ito. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.

Medjugorje messages of year 2010

Mahal Kong Mga Anak! Nawa ay maging panahon ito ng pansariling panalangin para sa inyo, upang ang mga binhi ng paniniwala ay umusong sa inyong mga puso; at nawa'y umusbong ito upang maging masayang saksi sa iba. Ako ay sumasainyo at nais ko na magbigay-buhay sa inyong lahat: sumulong kayo at magsaya sa Diyos na Siyang lumikha sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal Kong Mga Anak! Sa panahong ito ng biyaya, kung kailan naggagayak ang kalikasan na maglabas ng magagandang kulay ng taon, tinatawagan ko kayo, munti king mga anak, na buksan ang nyong mga puso sa Diyos na Siyang lumikha upang baguhin Niya kayo at ihugis sa Kanyang imahen, upang ang lahat ng mabuti na natutulog sa inyong mga puso ay magising sa paninibagong-buhay at sa pagnanasa sa buhay na walang hanggan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal Kong Mga Anak! Ngayon din ay hinahangad ko na tawagan kayong lahat na maging matibay sa panalangin at sa mga panahong sinasalakay kayo ng mga pagsusubok. Mabuhay kayo ng masaya at ng may mababang-loob at maging saksi sa lahat sa inyong mga bokasyong maka-Kristyano. Ako ay sumasainyo at idinudulog ko kayo sa harap ng aking Anak na si Hesus, at siya ang inyong magiging lakas at alalay. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal Kong Mga Anak! Sa panahong ito na sa mahalagang pamamaraan ay hinahanap ninyo ang aking pamamagitan, tinatawagan ko kayo, munti kong mga anak, na manalangin, upang sa inyong mga panalangin ay matulungan ko kayo na magkaroon ng mga puso na bukas sa aking mga pahayag. Manalangin kayo para sa aking mga hangarin. Ako ay palaging sumasainyo at namamagitan sa harap ng aking Anak para sa bawa't isa sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal Kong Mga Anak! Binigyan kayo ng Diyos ng biyaya na mabuhay at ipagtanggol ang lahat ng mabuti sa paligid ninyo, at magbigay-diwa sa iba upang lalo silang maging mabuti at banal; nguni't si Satanas man ay hindi natutulog at sa pamamagitan ng mga makagabong bagay ay inaaliw kayo at inaakay sa mga pamamaraan niya. Samakatuwid, munti kong mga anak, sa pagmamahal ng aking Dalisay na Puso, mahalin ninyo ang Diyos ng higit sa lahat at mabuhay sa loob ng Kanyang mga utos. Sa ganitong pamamaraan, magkakaroon ng kahulugan ang inyong buhay at mananalig ang kapayapaan sa mundong ito. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal Kong Mga Anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo na manalangin at mag-ayuno upang malinaw ang daan na kung saan papasok sa puso ninyo ang aking Anak. Tanggapin ninyo ako bilang ina at tagapaghatid-balita ng pag-ibig ng Diyos at ng Kanyang hangarin para sa inyong kaligtasan. Palayain ninyo ang inyong mga sarili ng lahat sa inyong mga nakaraan na nakabibigat sa inyo, na nagbibigay sa inyo ng bagay na ikasisisi, na siyang umakay sa inyo noon sa kamalian at dilim. Tanggapin ninyo ang liwanag. Isilang kayong muli sa katarungan ng aking Anak. Salamat.
Mahal Kong Mga Anak! Nang may kasiyahan, tinatawagan ko kayong lahat na buhayin ang aking mga pahayag ng may kagalakan; sa ganito lamang pamamaraan, munti long mga anak, kayo mapapalapit sa aking Anak. Hangad ko na akayin kayong lahat sa Kanya lamang, at sa Kanya ay matatagpuan ninyo ang tunay na kapayapaan at kagalakan sa inyong mga puso. Kayo ay binabasbasan ko at minamahal ng walang hangganang pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal Kong Mga Anak! Muli ay tinatawagan ko kayo na sumunod sa akin ng may kagalakan. Hangad ko na akayin kayo sa aking Anak, ang inyong Tagapagligtas. Hindi ninyo namamalayan na kung wala Siya, wala kayong kagalakan at katahimikan, at wala rin kayong kinabukasan o buhay na walang-hanggan. Samakatuwid, munti kong mga anak, pagbutihin ninyo ang gamit sa panahon na puno ng masayang pananalangin at pagsuko. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo, upang simulang itaguyod ang Kaharian ng Kalangitan sa inyong mga puso; upang iwaksi ang anumang makasarili at - sa pamamagitan ng halimbawa ng aking Anak - inyong maisaisip kung ano ang maka-Diyos. Ano ba ang ibig Niya sa inyo? Huwag hayaang buksan ni Satanas ang landas ng makamundong kaligayahan, ang landas na liban ang aking Anak. Mga Anak, ito ay hindi wasto at panandalian lamang. Ang aking Anak ang siyang tunay. Iniaalay ko sa inyo ang walang hanggang kagalakan at kapayapaan kaisa ng aking Anak at ng Panginoon. Iniaalay ko ang kaharian ng Diyos.
Mahal kong mga Anak! Ngayon, puno ng matinding kagalakan, ibig kong tawagan kayong muli: manalangin, manalangin, manalangin. Nawa'y ang panahong ito ay maging panahon ng sariling pagdarasal. Sa umaga, humanap kayo ng pook na kung saan kayo ay mataimtim na manalangin. Mahal ko kayo at kayo ay aking binabasbasan. Salamat sa pagtugon sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak. Ako ay nasa tabi niyo dahil nais kong tulungan kayo upang malampasan ang mga pagsubok, na nagsisilbing balakid upang kayo ay maging dalisay. Mga anak, isa na dito ang hindi pagpapatawad at ang di paghingi ng kapatawaran. Ang bawat kasalanan ay sumasaling sa Pagmamahal at naglalayo sa inyo dito - at ang Pag-ibig ay ang aking Anak. Samakatuwid, mga anak, kung mamarapatin ninyo ay sabay nating tahakin ang kapayapaang hatid ng Pag-ibig ng Diyos, dapat ninyong matutunang magpatawad at humingi ng kapatawaran. Salamat.
Mahal kong mga anak! Ngayon ako ay sumasainyo at binabasabasan ko kayo ng maka-Inang biyaya ng Kapayapaan. Hinihimok ko kayong mabuhay na puno ng pananalig sapagkat kayo ay marupok pa at di mapagkumbaba. Hinihimok ko kayo, munting mga anak, bawasan ang pagsasalita bagkos ay pagsumikapang maigi na magbago upang ang inyong saksi ay magbunga. Nawa'y ang inyong buhay ay maging walang humpay na panalangin. Salamat sa pagtugon sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak, ngayon ay tinatawagan ko kayo sa mapagkumbabang debosyon, mga anak. Ang inyong puso ay karapatdapat sa tama. Nawa'y ang inyong mga paghihirap ang magsilbing paraan upang malabanan ang mga kamalian ng kasalukuyan panahon. Nawa'y ang pagtitiyaga at walang hanggang pag-ibig -- pag-ibig na marunong maghintay -- ang siyang magbubunsod sa inyo upang malaman ang mga babala ng Panginoon - upang ang inyong buhay, sa pamamagitan ng mapagkumbabang pagmamahal, ay maging salamin sa mga taong naghahanap ng katotohanan sa karimlan ng kasinungalingan. Mga anak ko, aking mga alagad, tulungan ninyo akong buksan ang landas tungo sa aking Anak. Muli, tinatawagan ko kayong ipagdasal ang inyong mga pari. Kasama nila, ako ay magwawagi. Salamat
Mahal kong mga anak! Nawa'y ang panahong ito'y maging oras ng panalangin sa inyo. Hinahangad ng aking panawagan, mga anak ko, na kayo ay magpasyang sundan ang landasin ng pagbabalik-loob. Samakatuwid, manalangin at hingin ang pamamagitan ng lahat ng mga banal. Nawa'y ang mga santo ay maging halimbawa, dahilan at kaligayahan tungo sa walang hanggang buhay. Salamat sa inyong pagtugon sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak. Dala ang maka-inang katiyagaan at pag-ibig, inihahandog ko sa inyo ang ilaw ng buhay upang puksain ang karimlang hatid ng kamatayan. Huwag akong talikdan aking mga anak! Tumigil at suriin ang inyong mga sarili at alamin kung gaano kayo nagkasala. Malasin ang inyong mga kasalanan at humingi ng kapatawaran. Aking mga anak, ayaw ninyong tanggapin na kayo ay marupok at malilit pa ngunit sa pamamagitan ng pagsunod sa kalooban ng Diyos kayo ay maaring lumakas at maging kahanga-hanga. Iaalay ninyo sa akin ang inyong mga pusong pinalinis upang matanglawan ko ito ng ilaw ng buhay: ang aking Anak.
Mahal kong mga anak, nasisilayan ko kayo at aking namamalas ang kamatayang walang pag-asa, pagkabalisa at kagutuman. Walang dalangin at tiwala sa Panginoon kung kaya ako ay pinahihintulutan ng Kataastaasang Diyos na kayo ay dalhan ng pag-asa at kagalakan. Buksan ang inyong kalooban. Buksan ang inyong mga puso sa habag ng Panginoon at pupunan niya ang lahat ng inyong pangangailangan. Pupunuin niya ang inyong mga puso ng kapayapaan sapagkat siya ang kapayapaan at inyong pag-asa. Salamat sa inyong pagtugon sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak; ngayong akoy'y dumadalangin kaisa ninyo upang likumin ang kalakasan na buksan ang inyong mga puso upang inyong mabatid and sukdulang tindi ng pagmamahal ng naghihirap ng Panginoon. Sa pamamagitan nito, at ng kanyang Pagmamahal, Kagandahang-loob at Kapakumbabaan, ako ay kasa-kasama ninyo. Inaanyayahan ko kayo sa isang di-pangkaraniwang panahon ng paghahanda na maging oras ng panalangin, pagpapakasakit at pagbabalik-loob. Aking mga anak, kailangan ninyo ang Panginoon. Hindi kayo maaring umungos liban sa aking Anak. Kapagka naunawaan at natanggap ninyo ito,anumang ipinangako sa inyo ay matutupad. Sa pamamitan ng Espiritong Banal, ang kaharian ng Kalangitan ay mapapasainyong puso. Inaakay ko kayo sa landas na ito. Salamat.
Mahal kong mga anak! Ngayon, ninanais ko at ng aking Anak na punuin kayo ng masaganang kagalakan at kapayapaan upang ang bawat isa sa inyo ay maging tagapaghatid at saksi sa kapayapaan at kagalakan sa mga pook na inyong tinitirhan. Munting mga anak, kayo ay maging biyaya at kapayapaan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawaga.

Medjugorje messages of year 2011

Mahal kong mga anak, tinawagan ko kayo na makiisa kay Hesus, na aking Anak. Ang aking maka-inang puso ay nananalanging upang inyong maunawaan na kayo ay kabilang sa pamilya ng Panginoon. Sa pamamagitan ng kalayaang pang-ispiritwal, na bigay ng Mabathalang Panginoon, kayo ay tinatawagang mabatid and katotohanan, ang mabuti at ang di wasto. Nawa'y ang panalangin at pag-aayuno ay magbukas ng inyong mga puso. Sa pagsaliksik sa Ama, ang iyong buhay ay maayon sa pagtugon sa kagustuhan ng Panginoon at matanto ninyo ang angkan ng Diyos alinsunod sa kagustuhan ng aking Anak. Hindi ko kayo iiwan sa landasing ito. Salamat.
Naramdaman ni Mirjana na maaring niyang sabihin sa ating Mahal na Ina: "Kaming lahat at dumudulog sa inyo dala ang aming mga krus at pagdurusa. Kami ay nagsusumamong tulunga kami. Inabot ng Mahal na Birhen ang kanyang mga kamay sa atin at winika: "Buksan ninyon ang inyong puso. Ibigay ninyo sa akin ang inyong pagdurusa. Ang Ina ay tutulong."
Mga anak! Ang kalikasan ay gumigising at sa mga puno masisilayan ang mga usbong na siyang maghahatid ng pinakamagagandang bulaklak. Ninanais ko rin, mga munting anak, pagsumikapan ninyo ang pagbabago at kayo sana ang siyang maging saksi upang sa pamamagitan ng inyong halimbawa ito ay magsilbing palatandaan at pampa-ganyak sa pagbabalik loob ng iba. Ako ay kasa-kasama ninyo at sa harap ng aking anak na si Hesus ako ay namamagitan para sa inyong pagbabago. Salamat sa pagtalima ninyo sa aking panawagan.
Mahal na mga Anak. Ang aking pusong makaina ay lubusang naghihirap habang ako ay nakatunghay sa aking mga anak na patuloy na inilalagay ang kanilang sarili sa pagiging tao at hindi ang para sa Diyos; sa aking mga anak, sa kabila ng lahat ng nakapalibot at lahat ng palantandaan na ipinadadala sa kanila, iniisip pa rin na sila ay makakalakad ng walang Diyos. Hindi maaari! Sila ay maglalakad sa walang hanggang kapahamakan ng kaluluwa. Kaya nga pinagsasama-sama ko kayo, na handang buksan ang inyong puso sa akin, kayo na handang maging apostol ng aking pagmamahal, na tulungan ako; para mabuhay ng may pag-ibig sa Diyos, maging ehemplo ka sa mga taong hindi nakakaalam nito. Nawa ang pag-aayuno at panalangin ay magbigay sa iyo ng lakas at pinagpapala ko kayo sa pangalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Salamat sa iyo.
Ang mapangitaing si Mirjana Dragicevic-Soldo ay pinagpapakitaan araw-araw simula Hunyo 24, 1981 hanggang Disyembre 25, 1982. Sa huling pagpapakita, ipinaalam sa kanya ng Mahal na Birhen ang ika-sampung lihim. Bukod dito sinabi pa na siya ay pagpapakitaan isang beses bawat taon tuwing ika-18 ng Marso. Ganito ang naganap sa palipas ng mga taon. Libu-libong mga deboto ang nagtitipun-tipon sa pagdarasal ng Rosaryo sa pook ng 'Kurus na Asul.' Ang pagpapakita ay tumagal ng 13:46 hanggang 13:50 minuto.
Mga anak, ako ay sumasainyo sa ngalan ng pinakamasidhing pagmamahal, sa ngalan ng Mahal na Panginoon, na lumalapit sa inyo sa pamamagitan ng aking Anak at nagpapamalas ng tunay na pag-ibig. Ninanais kong akayin kayo sa landas ng Panginoon. Ninanais kong ituro sa inyo ang tunay na pag-ibig upang mamalas ito ng iba sa buhay ninyo, upang makita ninyo ito sa buhay ng ibang tao, upang kayong lahat ay magturingan bilang magkakapatid at upang maramdaman ng ibang nilalang ang is mahabaging kapatid sa ninyo. Mga anak, huwag kayong matakot na buksan ang inyong puso sa akin. Sa pamamagitan ng maka-inang pag-ibig, ipakikita ko sa inyo ang mga bagay-bagay na inaasahan ko sa inyo, mga inaasahan ko sa aking mga alagad. Samahan ninyo ako. Salamat.
Mahal kong mga anak, ngayon, sa isang di-pangkaraniwang paraan, ay tinatawagan ko kayong magbalik-loob. Mula ngayon, nawa'y ang panibagong buhay ay magsimula sa inyong puso. Mga anak, ninais kong makita ang inyong 'Oo,' at nawa ay ang bawat sandali ng inyong buhay ay mapuno ng galak sa pagtalima sa kagustuhan ng Panginoon. Sa isang espesyal na paraan, binabasbasan ko kayo ng aking maka-Inang bendisyon ng kapayapaan, pagmamahal at pagkakaisa mula sa aking puso at sa puso ng aking anak na si Hesus. Maraming salamat sa inyong pagtugon.
Mga anak, sa pamamagitan ng maka-inang pag-ibig ay ninanais kong buksan ang inyong mga puso at ituro ang pakiki-isa sa Ama. Upang matunton ito, kailangang maunawaan ninyo na kayung lahat ay mahalaga sa Kanya at bawa't isa sa inyo ay tinatawag niya. Kailangan maunawaan ninyo na ang panalanging ay isang pakikipag-usap ng isang anak sa kanyang Ama, na ang pagibig ang daan na dapat tunguhin - pagibig sa Diyos at sa bawa't isa. Ito ay, na ang pag-ibig ay walang hangganan, pagibig na nagmumula sa katotohanan magpasawalang hanggan. Sundan ninyo ako, mga anak, upang ang iba, sa pamamagitan ng katotohan at tunay na pag-ibig, ay sumuno sa inyo. Salamat." Muli, tinatawagan ang lahat na ipanalangin ang mga pari. Dagdag ng Mahal na Birhen: Sila'y may katangi-tanging lugar sa aking puso. Sila ay kumakatawan sa aking Anak.
Mga anak, habang ang kalikasan ay nagbibigay ng pinaka-magagarang kulay ng taon, tinatawagan ko kayong saksihan at tulungan ang iba na lumapit sa aking kalinis-linisang puso upang magliyab ng pagmamahal ang kanilang puso ukol sa Kaitastaasang Diyos. Ipinagdarasal ko kayo upang ang inyong buhay ay maging salamin ng kalangitan dito sa lupa. Salamat sa inyong pagtugon sa aking panawagan.
Mga anak! Ngayon, dasal ko na inyong hanapin ang biyaya ng pagbabalik-loob. Kayo ay kumakatok sa pintuan ng aking puso nguni't walang pag-asa at panalangin, lubog sa kasalanan at walang pangungumpisal sa Panginoon. Talikdan ninyo ang kasalanan at pagpasyahan ang landas ng kabanalan, mga munting mga anak. Sa ganitong paraan ko lamang kayo matutulungan. Sa ganitong paraan ko lamang maririnig ang inyong mga panalangin at maipamamagitan kayo sa Kaitastaasan! Salamat sa inyong pagtugon sa aking panawagan.
   




To compare Medjugorje messages with another language versions choose

For God to live in your hearts, you must love.

`