Our Lady of Medjugorje Messages by month April

Mga anak, habang ang kalikasan ay nagbibigay ng pinaka-magagarang kulay ng taon, tinatawagan ko kayong saksihan at tulungan ang iba na lumapit sa aking kalinis-linisang puso upang magliyab ng pagmamahal ang kanilang puso ukol sa Kaitastaasang Diyos. Ipinagdarasal ko kayo upang ang inyong buhay ay maging salamin ng kalangitan dito sa lupa. Salamat sa inyong pagtugon sa aking panawagan.
Mga anak, sa pamamagitan ng maka-inang pag-ibig ay ninanais kong buksan ang inyong mga puso at ituro ang pakiki-isa sa Ama. Upang matunton ito, kailangang maunawaan ninyo na kayung lahat ay mahalaga sa Kanya at bawa't isa sa inyo ay tinatawag niya. Kailangan maunawaan ninyo na ang panalanging ay isang pakikipag-usap ng isang anak sa kanyang Ama, na ang pagibig ang daan na dapat tunguhin - pagibig sa Diyos at sa bawa't isa. Ito ay, na ang pag-ibig ay walang hangganan, pagibig na nagmumula sa katotohanan magpasawalang hanggan. Sundan ninyo ako, mga anak, upang ang iba, sa pamamagitan ng katotohan at tunay na pag-ibig, ay sumuno sa inyo. Salamat." Muli, tinatawagan ang lahat na ipanalangin ang mga pari. Dagdag ng Mahal na Birhen: Sila'y may katangi-tanging lugar sa aking puso. Sila ay kumakatawan sa aking Anak.
Mahal Kong Mga Anak! Sa panahong ito na sa mahalagang pamamaraan ay hinahanap ninyo ang aking pamamagitan, tinatawagan ko kayo, munti kong mga anak, na manalangin, upang sa inyong mga panalangin ay matulungan ko kayo na magkaroon ng mga puso na bukas sa aking mga pahayag. Manalangin kayo para sa aking mga hangarin. Ako ay palaging sumasainyo at namamagitan sa harap ng aking Anak para sa bawa't isa sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Nananawagan ako ngayon na manalangin kayo para sa kapayapaan at upang masaksihan ito sa inyong mga pamilya na ang kapayapaan ay siyang maging pinakamahalagang kayamanan sa magulong mundong ito. Ako ang inyong Reyna ng Kapayapaan at ang inyong Ina. Nais kong pamatnubayan kayo sa landas ng kapayapaan, na sa Diyos lamang nagmumula. Samakatuwid, manalangin, manalangin, manalangin. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo na magbagong-loob. Buksan ang inyong mga puso. Ito ay panahon ng biyaya habang ako ay sumasainyo, gamitin ito sa tama. Sabihin ninyo: 'Ito ang panahon para sa aking kaluluwa.' Ako ay sumasainyo at minamahal ko kayo ng walang hangganang pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo na magtiwala sa akin at sa aking Anak. Pinagtagumpayan Niya ang Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay at sa pamamagitan ko ay tinatawagan Niya kayo upang maging bahagi ng Kanyang kasiyahan. Hindi ninyo nakikita ang Diyos, munti kong mga anak, nguni't kung kayo'y mangagdarasal ay mararamdaman ninyo na Siya'y nalalapit lamang. Ako ay sumasainyo at namamagitan sa harap ng Diyos para sa inyong lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Gayon din sa araw na ito ay tinatawagan ko kayo na muling buhayin ang pagdarasal sa inyong mga pamilya. Sa pagdarasal at pagbabasa ng Banal na Aklat, nayong ang Espiritu Santo na nagpapabago ay sumainyong mga pamilya. Sa ganitong paraan, kayo ang mga magiging tagapagturo ng pananampalataya sa inyong mga pamilya. Sa inyong pagdarasal at pagmamahalan, ang daigdig ay tatahak sa mas mabuting paraan at ang pag-ibig ay magsisimulang maghari sa mundo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo upang inyong isabuhay ang aking mga mensahe sa inyo ng may lubos na kababaang loob at pagmamahal upang kayo ay mapuno ng biyaya at kalakasan na magmumula sa Diyos Espiritu Santo. Sa ganitong paraan lamang kayo magiging saksi sa tunay na kapayapaan at pagpapatawad. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak, kayo ay muli kong tinatawagan upang buksan ang inyong mga sarili sa pananalangin. Sa panahon ng nagdaang Quaresma napapagkuro-kuro ninyo kung gaano kayo kaliit at kung gaano kaliit ang inyong pananampalataya. Mga anak magpasiya kayo ngayon para sa Diyos, na sa inyo at sa pamamagitan ninyo sana ay mapagbago ninyo ang puso ng mga tao, at gayon din ang inyong mga puso. Maging maligaya kayong tagapagdala ng balita ng pagka-buhay ng Diyos dito sa walang katahimikang mundo na nagnanais sa Diyos at sa lahat ng naauukol mula sa Diyos. Ako ay kasamasama ninyo mga anak, at mahal ko kayo ng isang natatanging pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mga mahal kong anak, Makipagdiwang kayo sa akin sa panahong ito ng tagsibol na ang lahat sa kalikasan ay nagsisigising, at ang inyong mga puso ay naghahangad ng pagbabago. Buksan ang inyong sarili mga anak at manalangin. Huwag ninyong kalilimutan na ako ay laging nasa inyo, at ninanais ko na igabay ko kayo sa aking Anak upang bigyan kayo ng handog na tapat na pagmamahal tungo sa Diyos at ang lahat na mula sa kanya. Buksan ang inyong mga sarili sa pananalangin at hanapin ang pagbabago ng inyong mga puso mula sa Diyos; ang lahat ay kanyang nakikita at ipagkakaloob. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
   




To compare Medjugorje messages with another language versions choose
1 2 Next>>

For God to live in your hearts, you must love.

`