Our Lady of Medjugorje Messages by month December

Mahal kong mga anak! Ngayon, ninanais ko at ng aking Anak na punuin kayo ng masaganang kagalakan at kapayapaan upang ang bawat isa sa inyo ay maging tagapaghatid at saksi sa kapayapaan at kagalakan sa mga pook na inyong tinitirhan. Munting mga anak, kayo ay maging biyaya at kapayapaan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawaga.
Mahal kong mga anak; ngayong akoy'y dumadalangin kaisa ninyo upang likumin ang kalakasan na buksan ang inyong mga puso upang inyong mabatid and sukdulang tindi ng pagmamahal ng naghihirap ng Panginoon. Sa pamamagitan nito, at ng kanyang Pagmamahal, Kagandahang-loob at Kapakumbabaan, ako ay kasa-kasama ninyo. Inaanyayahan ko kayo sa isang di-pangkaraniwang panahon ng paghahanda na maging oras ng panalangin, pagpapakasakit at pagbabalik-loob. Aking mga anak, kailangan ninyo ang Panginoon. Hindi kayo maaring umungos liban sa aking Anak. Kapagka naunawaan at natanggap ninyo ito,anumang ipinangako sa inyo ay matutupad. Sa pamamitan ng Espiritong Banal, ang kaharian ng Kalangitan ay mapapasainyong puso. Inaakay ko kayo sa landas na ito. Salamat.
Mahal kong mga Anak! Sa masayang araw na ito, dinadala ko kayong lahat sa harap ng aking Anak, ang Hari ng Kapayapaan, na bigyan Niya kayo ng Kanyang kapayapaan at biyaya. Munti kong mga anak, sa pagmamahal ay bahaginan ninyo ang iba ng kapayapaan at biyayang ito. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Kayo ay mga nagsisitakbo, nagsisipagtrabaho, nagtitipon - nguni't walang biyaya. Hindi kayo nananalangin! Ngayon ay tinatawagan ko kayo na tumigil sa harapan ng sabsaban at magnilay-nilay kay Hesus, na siyang ibinibigay ko sa inyo ngayon, upang mabasbasan kayo at tulungang maunawaan na, kung Siya'y wala, kayo'y walang kinabukasan. Samakatuwid, munti kong mga anak, isuko ang inyong mga buhay sa kamay ni Hesus, na kayo ay Kanyang mapatnubayan at maipagtanggol sa lahat ng kasamaan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Nang may malaking kagalakan, inihahandog ko sa inyo ang Hari ng Kapayapaan upang kayo ay mabasbasab ng kanyang mga biyaya. Purihin Siya at bigyang-oras ang ang Maylikha na isinasamo ng inyong mga puso. Huwag ninyong kalilimutan na dumaraan lamang kayo sa mundong ito at habang ang lahat ng bagay ay makapagbibigay sa inyo ng mga munting ligaya, sa pamamagitan ng aking Anak ay mapapasainyo naman ang buhay na walang hanggan. Kaya ako ay sumasainyo, upang akayin kayo sa landas patungo sa isinasamo ng inyong mga puso. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Sa huling araw-araw na pagpapakita kay Jakov Colo noong ika-12 ng Setyembre, 1998, sinabi sa kanya ng Ating Ina na magmula noon siya ay pagpapakitaan minsan isang taon, tuwing ika-25 ng Disyembre, sa araw ng Kapaskuhan. Gayun din ngayong taong ito. Ang pangitain ay nagsimula ng 3:32 ng hapon at tumagal ng 6 na minuto.
Ngayon ay dakilang araw ng kasiyahan at kapayapaan. Magdiwang kayong kasama ko. Munti kong mga anak, sa katangi-tanging paraan, tinatawagan ko ang kabanalan sa inyong mga pamilya. Hinahangad ko, munti kong mga anak, na bawa't pamilya ay maging banal at ang kasiyahan at kapayapaan ng Diyos, na ibinibigay sa inyo ng Diyos sa di-pangkaraniwang paraan, ay siya sanang maghari at manirahan sa inyong mga pamilya. Munti kong mga anak, buksan ang inyong mga puso ngayong araw na ito ng biyaya, piliin ang Diyos at ipagpa-una siya sa lahat ng bagay sa inyong mga pamilya. Ako ang inyong Ina. Mahal ko kayo at ibinibigay sa inyo ang Maka-inang Biyaya.
Mahal kong mga Anak! Ngayon din ay dala-dala ko sa inyo pangko sa aking bisig ang bagong-silang na si Jesus. Siya na Hari ng Kalangitan at kalupaan, Siya ang inyong kapayapaan. Munti kong mga anak, wala nang makapagbibigay sa inyo ng kapayapaan kundi Siya na Hari ng Kapayapaan. Samakatuwid, purihin Siya sa inyong mga puso, piliin Siya at katutuwaan Niya kayo. Babasbasan Niya kayo ng biyaya ng kapayapaan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon din, pangko sa aking mga bisig, inihahandog ko sa inyo ang Hesus na sanggol, Hari ng Kapayapaan. Munti kong mga anak, sa natatanging pamamaraan, tinatawagan ko kayo upang maging aking mga tagahatid ng kapayapaan sa mundong walang katahimikan. Ipagpapala kayo ng Diyos. Munti kong mga anak, huwag ninyong kalilimutan na ako ang inyong ina. Binabasbasan ko kayo ng katangi-tanging biyaya, kasama ang Hesus na sanggol sa aking mga bisig. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Gayon din sa ngayon, ikinagagalak kong dalhin ko sa inyo ang aking Anak na si Hesus sa aking mga bisig. Binabasbasan niya kayo at tinatawagan sa kapayapaan. Magdasal munti kong mga anak at maging matatag na mga saksi ng mabuting balita sa lahat ng pagkakataon. Sa ganitong paraan lamang na kayo ipagpapala ng Diyos at sa inyong pananampatalaya ay ibibigay ang lahat ng inyong mga hinihiling. Ako ay laging sasainyo sa kapahintulutan ng Maykapal. Pinamamagitanan ko ng may malaking pagmamahal ang bawa't isa sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak! Ngayon ay binabasbasan ko kayong lahat ng aking Anak na si Hesus na kalong ko sa aking mga bisig, ang Hari ng kapayapaan, para sa inyo na nawa'y ipagkaloob niya sa inyo ang kanyang kapayapaan. Ako ay lagi ninyong kapiling at mahal ko akyong lahat mga mahal kong anak. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
   




To compare Medjugorje messages with another language versions choose
1 2 Next>>

For God to live in your hearts, you must love.

`