Our Lady of Medjugorje Messages by month February

Mga anak! Ang kalikasan ay gumigising at sa mga puno masisilayan ang mga usbong na siyang maghahatid ng pinakamagagandang bulaklak. Ninanais ko rin, mga munting anak, pagsumikapan ninyo ang pagbabago at kayo sana ang siyang maging saksi upang sa pamamagitan ng inyong halimbawa ito ay magsilbing palatandaan at pampa-ganyak sa pagbabalik loob ng iba. Ako ay kasa-kasama ninyo at sa harap ng aking anak na si Hesus ako ay namamagitan para sa inyong pagbabago. Salamat sa pagtalima ninyo sa aking panawagan.
Mahal Kong Mga Anak! Sa panahong ito ng biyaya, kung kailan naggagayak ang kalikasan na maglabas ng magagandang kulay ng taon, tinatawagan ko kayo, munti king mga anak, na buksan ang nyong mga puso sa Diyos na Siyang lumikha upang baguhin Niya kayo at ihugis sa Kanyang imahen, upang ang lahat ng mabuti na natutulog sa inyong mga puso ay magising sa paninibagong-buhay at sa pagnanasa sa buhay na walang hanggan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Sa panahong ito ng pagtalikdan, panalangin at penitensya, tinatawagan ko kayong muli: humayo kayo at ikumpisal ang inyong mga kasalanan upang buksan ng biyaya ang inyong mga puso at pahintulutan nito na kayo ay magbago. Magbagong-loob kayo, munti kong mga anak, at buksan ang inyong mga sarili sa Diyos at sa Kanyang mga balak para sa bawa't isa sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Sa panahong ito ng grasya, tinatawagan ko muli kayo na manalangin at talikdan ang kasalanan. Nawa'y ang inyong araw ay masamahan ninyo ng masigasig na panalangin para sa mga hindi nakakakilala sa pagmamahal ng Panginoon. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal Kong Mga Anak! Buksan ang inyong mga puso sa habag ng Diyos ngayong panahon ng Mahal na Araw. Hinahangad ng ating Ama sa Kalangitan na iligtas tayong lahat sa mapang-aliping kasalanan. Samakatuwid, munti kong mga anak, gamitin ng tama ang panahong ito at sa pamamagitan ng pakikipagkita sa Diyos sa pangungumpisal, iwanan ang kasalanan at pagpasyahan ang kabanalan. Gawin ito ng dahil sa pagmamahal kay Hesus na tumubos sa inyong lahat sa pamamagitan ng Kanyang Dugo, upang kayo ay maging masaya at mapayapa. Huwag ninyong kalilimutan, munti kong mga anak: ang inyong kalayaan ay siya ninyong kahinaan, samakatuwid ay sundin ang aking mga pahayag ng may kahalagahan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Sa panahon ng mabiyayang Kuwaresma, nananawagan ako sa inyong buksan ang inyong mga puso sa mga kaloob na nais ibigay sa inyo ng Diyos. Huwag ninyong ipinid ang inyong mga sarili, kundi sa pamamagitan ng mga panalangin at pagtakwil sa masasamang gawi, umayon kayo sa Diyos at bibigyan Niya kayo ng kasaganahan. Tulad ng tagsibol, nakabukas ang daigdig sa mga binhi na nagbibigay daan sa walang hangganang bunga, gayun din ang inyong Ama sa langit ay bibigyan kayo ng labis-labis. Ako ay sumasainyo at minamahal ko kayo, munti kong mga anak, ng magiliw na pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Tinatawagan ko kayo ngayon na maging aking mga galamay para sa mundong ito na inilalagay ang Diyos sa hulihan. Kayo, munti kong mga anak, ipagpauna sa lahat ang Diyos sa inyong buhay. Ipagpapala kayo ng Diyos at bibigyang lakas sa pagpapatutoo sa Kanya, ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan. Ako ay namamagitan at laging sumasainyo. Munti kong mga anak, huwag ninyong kalilimutan na ang pag-ibig ko sa inyo ay isang mayuming pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak! Ngayon at higit magpakailanman ay tinatawagan ko kayo upang buksan ninyo ang inyong mga puso sa aking ipinahayag sa inyo. Mga anak, maging tagapagdala kayo ng mga kaluluwa upang mapalapit sa Diyos. Huwag yaong maglalayo sa kanila. Ako ay nasa sa inyo at minamahal ko kayo ng may tanging pagmamahal. Ito ay panahon ng pagtitika at pagbabago at mula sa kaibuturan ng aking puso ay tinatawagan ko kayong maging akin ng buo ninyong puso at dito lamang ninyo makikita na ang Diyos ay dakila sapagkat ipagkakaloob niya sa inyo ang masaganang biyaya at kapayapaan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak, ako ay muling nanawagan para manalangin at magayuno alang-alang sa kapayapaan tulad nang nasabi ko na sa inyo at muli kong inuulit sa inyo mga anak na sa pananalangin at pag aayuno lamang mapipigilan ang paghahamok. Ang kapayapaan ay isang handog nag diyos. Hanapin at manalangin at iyo'y inyong makakamit. Pagusapan ninyo ang kapayapaan at dalhin sa inyong mga puso. Alagaan ito tulad sa isang bulaklak na nangangailangan ng tubig, pagmamahal at liwanag. Maging tagapagdala kayo ng kapayapaan sa iba. Ako ay nasa inyo at mamagitan para sa inyong lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mga mahal kong anak, Sa panahong ito ng biyaya, tinatawagan ko kayo upang maging kaibigan ni Hesus. Ipanalangin ninyo ang kapayapaan sa inyong puso at ang pangsariling pagbabago. Mga anak, sa ganitong paraan lamang ninyo magagawa na maging saksi ng kapayapaan at pagmamahal kay Hesus sa mundong ito. Buksan ninyo ang inyong mga sarili sa pananalangin upang ang pananalangin ay kailanganin ninyo. Magbabo kayo mga anak at magsikap. Kayo upang maraming kaluluwa ang kumilala kay Hesus at sa kanyang pagmamahal. Ako ay malapit sa inyo at pinagpapala ko kayong lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
   




To compare Medjugorje messages with another language versions choose
1 2 Next>>

For God to live in your hearts, you must love.

`