Our Lady of Medjugorje Messages by month July

Mahal Kong Mga Anak! Muli ay tinatawagan ko kayo na sumunod sa akin ng may kagalakan. Hangad ko na akayin kayo sa aking Anak, ang inyong Tagapagligtas. Hindi ninyo namamalayan na kung wala Siya, wala kayong kagalakan at katahimikan, at wala rin kayong kinabukasan o buhay na walang-hanggan. Samakatuwid, munti kong mga anak, pagbutihin ninyo ang gamit sa panahon na puno ng masayang pananalangin at pagsuko. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Nawa'y ang panahong ito ay maging panahon ng pananalangin para sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Sa panahong ito na nakakaisip kayong mamahinga, tinatawagan ko kayo na magbagong loob. Manalangin at kumilos upang ang inyong mga puso ay manabik sa Diyos na Lumikha na siyang tunay na katahimikan ng inyong kaluluawa't katawan. Nawa'y ipakita Niya sa inyo ang kanyang mukha at bigyan Niya kayo ng Kanyang kapayapaan. Ako ay sumasainyo at namamagitan palagi sa Diyos para sa bawa't isa sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon, sa araw ng Patron ng inyong Parokya, tinatawagan ko kayo upang tularan ang buhay ng mga Banal. Nawa'y maging mga halimabawa sila para sa inyo at mga tagapagpalakas ng loob tungo sa buhay ng kabanalan. Ang mga dalangin nawa ay maging tulad ng hangin na inyong hinihinga at hindi isang pasanin. Munti kong mga anak, ipagtatapat sa inyo ng Diyos ang Kanyang pagmamahal at mararanasan ninyo ang kasiyahan na kayo ay minamahal. Babasbasan kayo ng Diyos at bibigyan Niya kayo ng masaganang biyaya. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Sa panahong ito, huwag ninyong isipin ang katiwasayan ng katawan lamang subali't, munti kong mga anak, hanapan din ng oras ang para sa kaluluwa. Nawa'y sa katahimikan ay magpahayag sa inyo ang Espiritu Santo at hayaan ninyo Siyang hikayatin at baguhin kayo. Ako ay sumasainyo at sa harap ng Diyos ay namamagitan para sa bawa't isa sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo upang punan ang inyong mga araw ng mga maiiksi at masisigasig na panalangin. Kapag kayo ay nananalangin, buksan ng inyong mga puso at mamahalin kayo ng Diyos ng pagmamahal na natatangi at bibigyan Niya kayo nga mga biyayang bukod-tangi. Samakatuwid, gamitin sa tama ang panahong ito ng pagpapala at ihandog ito sa Diyos ng higit sa lahat ngayon. Kayo ay magnobena, mag-aayuno, at itakwil ang masasama upang lumayo si Satanas sa inyo at sa lahat ng mga kabutihang nakapaligid sa inyo. Naririto lamang ako sa tabi ninyo at namamagitan para sa inyong lahat sa harap ng Diyos. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak"! Tinatawagan ko kayong muling maging bukas sa aking panawagan . Ninanais kong lahat kayo, munti kong mga anak, ay hilahing lalong mapalapit sa aking anak na si Hesus, kaya kayo ay manalangin at mag-ayuno. Tinatawagan ko kayong lalong manalangin para sa aking mga adhikain upang kayo ay aking maidulog sa aking anak na sa Hesus ng kayo ang kanyang mapagbago at mabuksan ang inyong puso sa pagmamahal. Kapag ang puso ay may pagmamahal, kapayapaan ang sasakop sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak! Ngayon ay nananawagan ako sa inyo na kayo ay manalangin. Mga anak, manalangin kayo hanggang ang pananalangin ay maging tuwa para sa iyo. Sa pamamagitan lamang nito ninyo matatagpuan ang kapayapaan sa inyong mga puso at ang inyong kaluluwa ay masisiyahan. Madarama ninyo ang pangangailangan na maging saksi para sa iba ang pagmamahal na inyong nadarama sa inyong mga puso at buhay. Ako ay nasasa-inyo at namamagitan sa Diyos para sa inyong lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak! Ngayon ako’y nagagalak kasama ng inyong mga patron, at tinatawagan ko kayo na maging bukas sa kalooban ng Diyos nang sa gayon, sa iyo at sa pamamagitan mo ay yumabong ang pananampalataya nang bawat taong makatagpo mo sa araw-araw mga anak, manalangin kayo hanggang ang pananampalataya ay maging kagalakan para sa iyo. Hingin ninyo sa inyong banal na tagapangalaga na tulungan kayong lumaki na nagmamahal sa Diyos salamat sa pagtugon ninyo sa akin.
Mga mahal kong anak! Sa panahon ito ng grasya, ako ay tumatawag sa inyo upang lalong lumapit kayo sa Diyos sa pamamagitan ng iyong sariling pananalangin. Gamitin sa mabuti ang panahon ng pamamahinga at ibigay ang inyong kaluluwa at paningin sa Diyos. Hanapin ang kapayapaan sa kalikasan at inyong matutuklasan ang Diyos na Lumalang upang kayo ay makapagpasalamat para sa lahat na nilalang; matapos ay inyong matatagpuan ang kaligayahan sa inyong puso. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag.
   




To compare Medjugorje messages with another language versions choose
1 2 Next>>

For God to live in your hearts, you must love.

`