Our Lady of Medjugorje Messages by month September

Mahal kong mga anak! Ngayon ako ay sumasainyo at binabasabasan ko kayo ng maka-Inang biyaya ng Kapayapaan. Hinihimok ko kayong mabuhay na puno ng pananalig sapagkat kayo ay marupok pa at di mapagkumbaba. Hinihimok ko kayo, munting mga anak, bawasan ang pagsasalita bagkos ay pagsumikapang maigi na magbago upang ang inyong saksi ay magbunga. Nawa'y ang inyong buhay ay maging walang humpay na panalangin. Salamat sa pagtugon sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak. Ako ay nasa tabi niyo dahil nais kong tulungan kayo upang malampasan ang mga pagsubok, na nagsisilbing balakid upang kayo ay maging dalisay. Mga anak, isa na dito ang hindi pagpapatawad at ang di paghingi ng kapatawaran. Ang bawat kasalanan ay sumasaling sa Pagmamahal at naglalayo sa inyo dito - at ang Pag-ibig ay ang aking Anak. Samakatuwid, mga anak, kung mamarapatin ninyo ay sabay nating tahakin ang kapayapaang hatid ng Pag-ibig ng Diyos, dapat ninyong matutunang magpatawad at humingi ng kapatawaran. Salamat.
Mahal kong mga Anak! Pagsumikapan ninyo nang may kasiyahan ang pagbabagong loob. Ialay ang lahat ng inyong mga tuwa at kalungkutan sa aking Imakuladang Puso upang maakay ko kayo sa aking pinakamamahal na Anak, at matagpuan ninyo ang kasiyahan sa Kanyang Puso. Ako ay sumasainyo upang turuan kayo at akayin patungo sa buhay na walang hanggan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Nawa'y ang panibago ninyong buhay ay iukol sa katahimikan. Maging masiyahing tagapagdala ng kapayapaan at huwag ninyong limutin na nabubuhay kayo sa panahon ng biyaya, na kung saan ay ibinibigay sa inyo ng Diyos mga kahanga-hangang kabutihan sa pamamagitan ng aking pagdalo. Huwag ninyong ipinid ang inyong mga sarili, sa halip ay gamitin ng mabuti ang panahong ito at hanapin ang handog na kapayapaan at pag-ibig para sa inyong mga buhay upang kayo ay maging mga saksi sa iba. Binabasbasan ko kayo ng maka-inang pagpapala. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayong lahat upang pagliyabin ang inyong mga puso ng may masigasig na pagmamahal sa Ipinako, at huwag ninyong kalilimutan na, dahil sa pagmamahal sa inyo, ibinigay Niya ang Kanyang buhay upang kayo ay mailigtas. Munti kong mga anak, kayo ay magnilay-nilay at manalangin na ang inyong mga puso ay magbukas sa pagmamahal ng Diyos. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon din ako ay sumasainyo at tinatawagan ko kayong lahat na lubusin ang pagbabagong-loob. Piliin ang Diyos, munti kong mga anak, at makikita ninyo sa Diyos ang kapayapaang hinahanap ng inyong mga puso. Tularan ang buhay ng mga taong banal at nawa'y maging mga halimbawa sila sa inyo; at ako naman ay magbibigay-diwa sa inyo habang pinahihintulutan ako ng Makapangyarihang Diyos na sumainyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Tinatawagan ko kayo sa ngalan ng pagmamahalan, magbagong-loob kayo, kahit malayo ako sa inyong mga puso. Huwag ninyong kalimutan na ako ang inyong Ina at nararamdaman ko ang kirot sa bawa't isa sa inyo na malayo sa aking puso; nguni't hindi ko kayo iiwanang nag-iisa. Naniniwala akong lilisanin ninyo ang landas ng kasalanan at pipiliin ang kabanalan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Gayon din ngayon tinatawagan ko kayong umibig kung saan may poot, at pagkain kung saan may gutom. Buksan ang inyong mga puso, munti kong mga anak, ilahad ang mga kamay at maging mapagbigay nang sa gayon, sa pamamagitan ninyo, bawa't nilikha ay magpasalamat sa Diyos na lumikha. Magdasal, munti kong mga anak at buksan ang puso sa pagmamahal ng Diyos, na hindi magagawa kapag kayo ay hindi nananalangin. Sa makatuwid manalangin, manalangin, manalangin.Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo na maging malapit sa aking puso. Tanging sa ganitong paraan lamang ninyo mauunawaan ang handog ng aking pakikipagpiling sa inyo. Ninanais ko mga anak na igabay kayo tungo sa puso ng aking anak na si Hesus; ngunit tinatanggihan ninyo at hindi ninyo nais na buksan ang inyong mga puso sa pananalangin. Muli mga anak, tinatawagan ko kayo na huwag maging bingi sa aking panawagan ng kaligtasan para sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak, Sa panahong ito ng walang kapayapaan ay tinatawagan ko kayong manalangin. Manalangin kayo para sa kapayapaan ng sa gayon ay madama ng mga tao sa mundong ito ang pagmamahal tungo sa kapayapaan. Makadarama lamang ang tao nang kasiyahan kung kanilang matatagpuan ang kapayapaan sa Diyos at ang pagmamahal ay kakalat sa mundo. At kayo ay tinatawagan sa natatanging paraan upang kayo ay mabuhay at maging saksi sa kapayapaan. Kapayapaan sa inyong mga puso at sa inyong mga pamilya, at sa pamamagitan ninyo nawa'y magsimulang kumalat ang kapayapaan sa mundo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
   




To compare Medjugorje messages with another language versions choose
1 2 Next>>

For God to live in your hearts, you must love.

`