Medjugorje Messages given to Mirjana

Mga anak, sa pamamagitan ng maka-inang pag-ibig ay ninanais kong buksan ang inyong mga puso at ituro ang pakiki-isa sa Ama. Upang matunton ito, kailangang maunawaan ninyo na kayung lahat ay mahalaga sa Kanya at bawa't isa sa inyo ay tinatawag niya. Kailangan maunawaan ninyo na ang panalanging ay isang pakikipag-usap ng isang anak sa kanyang Ama, na ang pagibig ang daan na dapat tunguhin - pagibig sa Diyos at sa bawa't isa. Ito ay, na ang pag-ibig ay walang hangganan, pagibig na nagmumula sa katotohanan magpasawalang hanggan. Sundan ninyo ako, mga anak, upang ang iba, sa pamamagitan ng katotohan at tunay na pag-ibig, ay sumuno sa inyo. Salamat." Muli, tinatawagan ang lahat na ipanalangin ang mga pari. Dagdag ng Mahal na Birhen: Sila'y may katangi-tanging lugar sa aking puso. Sila ay kumakatawan sa aking Anak.
Mahal na mga Anak. Ang aking pusong makaina ay lubusang naghihirap habang ako ay nakatunghay sa aking mga anak na patuloy na inilalagay ang kanilang sarili sa pagiging tao at hindi ang para sa Diyos; sa aking mga anak, sa kabila ng lahat ng nakapalibot at lahat ng palantandaan na ipinadadala sa kanila, iniisip pa rin na sila ay makakalakad ng walang Diyos. Hindi maaari! Sila ay maglalakad sa walang hanggang kapahamakan ng kaluluwa. Kaya nga pinagsasama-sama ko kayo, na handang buksan ang inyong puso sa akin, kayo na handang maging apostol ng aking pagmamahal, na tulungan ako; para mabuhay ng may pag-ibig sa Diyos, maging ehemplo ka sa mga taong hindi nakakaalam nito. Nawa ang pag-aayuno at panalangin ay magbigay sa iyo ng lakas at pinagpapala ko kayo sa pangalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Salamat sa iyo.
Mahal kong mga anak, tinawagan ko kayo na makiisa kay Hesus, na aking Anak. Ang aking maka-inang puso ay nananalanging upang inyong maunawaan na kayo ay kabilang sa pamilya ng Panginoon. Sa pamamagitan ng kalayaang pang-ispiritwal, na bigay ng Mabathalang Panginoon, kayo ay tinatawagang mabatid and katotohanan, ang mabuti at ang di wasto. Nawa'y ang panalangin at pag-aayuno ay magbukas ng inyong mga puso. Sa pagsaliksik sa Ama, ang iyong buhay ay maayon sa pagtugon sa kagustuhan ng Panginoon at matanto ninyo ang angkan ng Diyos alinsunod sa kagustuhan ng aking Anak. Hindi ko kayo iiwan sa landasing ito. Salamat.
Naramdaman ni Mirjana na maaring niyang sabihin sa ating Mahal na Ina: "Kaming lahat at dumudulog sa inyo dala ang aming mga krus at pagdurusa. Kami ay nagsusumamong tulunga kami. Inabot ng Mahal na Birhen ang kanyang mga kamay sa atin at winika: "Buksan ninyon ang inyong puso. Ibigay ninyo sa akin ang inyong pagdurusa. Ang Ina ay tutulong."
Mahal kong mga anak; ngayong akoy'y dumadalangin kaisa ninyo upang likumin ang kalakasan na buksan ang inyong mga puso upang inyong mabatid and sukdulang tindi ng pagmamahal ng naghihirap ng Panginoon. Sa pamamagitan nito, at ng kanyang Pagmamahal, Kagandahang-loob at Kapakumbabaan, ako ay kasa-kasama ninyo. Inaanyayahan ko kayo sa isang di-pangkaraniwang panahon ng paghahanda na maging oras ng panalangin, pagpapakasakit at pagbabalik-loob. Aking mga anak, kailangan ninyo ang Panginoon. Hindi kayo maaring umungos liban sa aking Anak. Kapagka naunawaan at natanggap ninyo ito,anumang ipinangako sa inyo ay matutupad. Sa pamamitan ng Espiritong Banal, ang kaharian ng Kalangitan ay mapapasainyong puso. Inaakay ko kayo sa landas na ito. Salamat.
Mahal kong mga anak. Dala ang maka-inang katiyagaan at pag-ibig, inihahandog ko sa inyo ang ilaw ng buhay upang puksain ang karimlang hatid ng kamatayan. Huwag akong talikdan aking mga anak! Tumigil at suriin ang inyong mga sarili at alamin kung gaano kayo nagkasala. Malasin ang inyong mga kasalanan at humingi ng kapatawaran. Aking mga anak, ayaw ninyong tanggapin na kayo ay marupok at malilit pa ngunit sa pamamagitan ng pagsunod sa kalooban ng Diyos kayo ay maaring lumakas at maging kahanga-hanga. Iaalay ninyo sa akin ang inyong mga pusong pinalinis upang matanglawan ko ito ng ilaw ng buhay: ang aking Anak.
Mahal kong mga anak, ngayon ay tinatawagan ko kayo sa mapagkumbabang debosyon, mga anak. Ang inyong puso ay karapatdapat sa tama. Nawa'y ang inyong mga paghihirap ang magsilbing paraan upang malabanan ang mga kamalian ng kasalukuyan panahon. Nawa'y ang pagtitiyaga at walang hanggang pag-ibig -- pag-ibig na marunong maghintay -- ang siyang magbubunsod sa inyo upang malaman ang mga babala ng Panginoon - upang ang inyong buhay, sa pamamagitan ng mapagkumbabang pagmamahal, ay maging salamin sa mga taong naghahanap ng katotohanan sa karimlan ng kasinungalingan. Mga anak ko, aking mga alagad, tulungan ninyo akong buksan ang landas tungo sa aking Anak. Muli, tinatawagan ko kayong ipagdasal ang inyong mga pari. Kasama nila, ako ay magwawagi. Salamat
Mahal kong mga anak. Ako ay nasa tabi niyo dahil nais kong tulungan kayo upang malampasan ang mga pagsubok, na nagsisilbing balakid upang kayo ay maging dalisay. Mga anak, isa na dito ang hindi pagpapatawad at ang di paghingi ng kapatawaran. Ang bawat kasalanan ay sumasaling sa Pagmamahal at naglalayo sa inyo dito - at ang Pag-ibig ay ang aking Anak. Samakatuwid, mga anak, kung mamarapatin ninyo ay sabay nating tahakin ang kapayapaang hatid ng Pag-ibig ng Diyos, dapat ninyong matutunang magpatawad at humingi ng kapatawaran. Salamat.
Mahal kong mga Anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo, upang simulang itaguyod ang Kaharian ng Kalangitan sa inyong mga puso; upang iwaksi ang anumang makasarili at - sa pamamagitan ng halimbawa ng aking Anak - inyong maisaisip kung ano ang maka-Diyos. Ano ba ang ibig Niya sa inyo? Huwag hayaang buksan ni Satanas ang landas ng makamundong kaligayahan, ang landas na liban ang aking Anak. Mga Anak, ito ay hindi wasto at panandalian lamang. Ang aking Anak ang siyang tunay. Iniaalay ko sa inyo ang walang hanggang kagalakan at kapayapaan kaisa ng aking Anak at ng Panginoon. Iniaalay ko ang kaharian ng Diyos.
Mahal Kong Mga Anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo na manalangin at mag-ayuno upang malinaw ang daan na kung saan papasok sa puso ninyo ang aking Anak. Tanggapin ninyo ako bilang ina at tagapaghatid-balita ng pag-ibig ng Diyos at ng Kanyang hangarin para sa inyong kaligtasan. Palayain ninyo ang inyong mga sarili ng lahat sa inyong mga nakaraan na nakabibigat sa inyo, na nagbibigay sa inyo ng bagay na ikasisisi, na siyang umakay sa inyo noon sa kamalian at dilim. Tanggapin ninyo ang liwanag. Isilang kayong muli sa katarungan ng aking Anak. Salamat.
   




To compare Medjugorje messages with another language versions choose

For God to live in your hearts, you must love.

`