Our Lady of Medjugorje Messages by month October

Mahal kong mga anak! Nawa'y ang panahong ito'y maging oras ng panalangin sa inyo. Hinahangad ng aking panawagan, mga anak ko, na kayo ay magpasyang sundan ang landasin ng pagbabalik-loob. Samakatuwid, manalangin at hingin ang pamamagitan ng lahat ng mga banal. Nawa'y ang mga santo ay maging halimbawa, dahilan at kaligayahan tungo sa walang hanggang buhay. Salamat sa inyong pagtugon sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak, ngayon ay tinatawagan ko kayo sa mapagkumbabang debosyon, mga anak. Ang inyong puso ay karapatdapat sa tama. Nawa'y ang inyong mga paghihirap ang magsilbing paraan upang malabanan ang mga kamalian ng kasalukuyan panahon. Nawa'y ang pagtitiyaga at walang hanggang pag-ibig -- pag-ibig na marunong maghintay -- ang siyang magbubunsod sa inyo upang malaman ang mga babala ng Panginoon - upang ang inyong buhay, sa pamamagitan ng mapagkumbabang pagmamahal, ay maging salamin sa mga taong naghahanap ng katotohanan sa karimlan ng kasinungalingan. Mga anak ko, aking mga alagad, tulungan ninyo akong buksan ang landas tungo sa aking Anak. Muli, tinatawagan ko kayong ipagdasal ang inyong mga pari. Kasama nila, ako ay magwawagi. Salamat
Mahal kong mga Anak! Dala ko ngayon ang aking pagbabasbas. Binabasbasan ko kayo at nananawagan na mabuhay ng ganitong pamamaraan, na siyang pinangunahan ng Diyos sa pamamagitan ko para sa inyong kaligtasan. Manalangin, mag-ayuno at maging saksi ng inyong mga paniniwala ng may kasiyahan, munti kong mga anak, at nawa'y ang inyong mga puso ay palaging puno ng panalangin. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Sa katangi- tanging pamamaraan, tinatawagan ko kayo na manalangin para sa aking mga hangarin upang, sa pamamagitan ng inyong mga panalangin, ay mapigilan si Satanas sa kanyang mga balak para sa mundong ito, na palayuin kayo araw-araw sa Panginoon, at ilagay ang sarili niya sa lugar ng Diyos at sirain lahat ng mabuti at tama sa kaluluwa ng bawa't isa sa inyo. Samakatuwid, munti kong mga anak, sandatahan ninyo ang inyong mga sarili ng mga panalangin at pag-aayuno upang mamalayan ninyo kung gaano kayong kamahal ng Diyos at nang maisakatuparan ninyo ang kalooban ng Diyos. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Pinadala ako ng Diyos sa piling ninyo upang mapatnubayan ko kayo patungo sa landas ng kaligtasan. Marami sa inyo ang nagbukas ng kanilang mga puso at tumanggap ng aking mga balita, nguni't marami ding mga nangawala sa landas na ito at hindi nakakakilala sa Diyos ng pag-ibig sa kabuuan ng kanilang puso. Samakatuwid, tinatawagan ko kayo upang maging pag- ibig at ilaw kung saan may kadiliman at kasalanan. Ako ay sumasainyo at nagbabasbas sa lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga Anak! Ngayon ay pinahihintulutan ako ng Panginoon na ipaalam muli sa inyo na kayo ay nabubuhay sa panahon ng biyaya. Hindi ninyo namamalayan, munti kong mga anak, na binibigyan kayo ng Diyos ng malaking pagkakataon na magbagong-loob at mamuhay ng mapayapa at sa loob ng pagmamahalan. Kayo ay bulag at nakakapit sa mga bagay na makalupa at iniisip lamang ang buhay na makamundo. Isinugo ako ng Diyos upang akayin kayo sa buhay na walang-hanggan. Ako, munti kong mga anak, ay hindi napapagod, nguni't nakikita ko na ang inyong mga puso ay mabigat at pagod sa lahat ng biyaya at handog. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Munti kong mga anak, manalig, manalangin at magmahalan, at ang Diyos ay malalapit sa inyo. Pagkakalooban Niya kayo ng mga biyayang inyong hinahanap mula sa Kanya. Ako ay kaloob Niya sa inyo sapagka't araw-araw, pinahihintulutan ako ng Diyos na sumainyo at na mahalin ko ang bawa't isa sa inyo ng walang hangganang pagmamahal. Samakatuwid, munti kong mga anak, sa panalangin at pagpapakumbaba ng loob, buksan ang inyong mga puso at maging saksi kayo ng aking pagdadalo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak! Ito ang panahon ng biyaya para sa mga mag-aanak, kaya kayo ay aking tinatawagang magbago sa pagdarasal. Nawa si Hesus ay sumapuso sa inyong mag-aanak. Sa pagdarasal ay natututo tayong ibigin ang lahat na sagrado. Gayahin ang buhay ng mga santo na nagbibigay sigla at nagiging tagapagturo sa mga landas tungo sa kabanalan. Nawa'y and bawa't mag-anak ay maging saksi ng pag-ibig dito sa mundong walang pagdarasal at kapayapaan. Salamat sa pagtugon sa aking panawagan.
Mahal kong mga anak! Tinatawagan ko kayo ng panibago upang ihandog ang inyong mga sarili sa aking puso at sa sa mahal na puso ng aking Anak na si Hesus. Ninanais ko mga anak na igabay kayong lahat sa daan ng pagbabago at kabanalan. Tanging sa ganitong paraan lamang at sa pamamagitan ninyo maigagabay ang maraming kaluluwa tungo sa kaligtasan. Huwag ninyong antalahin mga anak , sa halip sabihin ninyo ng buong puso "Nais kong tulungan si Hesus at si Maria upang higit na maunawaan ng aking mga kapatid ang pagtahak sa daan ng kabanalan. Sa ganitong paraan lamang ninyo madarama ang kasiyahan ng pagiging kaibigan ni Hesus. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
Mga anak, ngayon ay tinatawagan ko kayong muli na manalangin. Mga anak maniwala kayo na ang himala ay nagagawa sa pamamagitan ng munting pananalangin. Buksan ang inyong mga puso sa Diyos at Siya ay gagawa ng himala sa inyong buhay. Sa pagtingin sa mga naging bunga ang inyong mga puso ay mapupuno ng tuwa at utang na loob sa Diyos sa lahat ng bagay na ginawa ninyo sa inyong mga buhay pati na sa iba sa pamamagitan ninyo. Manalangin kayo at manampalataya mga anak. Binibigyan kayo ng biyaya at ito ay hindi ninyo nakikita. Manalangin kayo at ito ay inyong makikita. Nawa’y ang araw ninyo ay mapuno ng pananalangin at pasasalamat sa lahat ng ipinagkaloob sa inyo ng Diyos. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.
   




To compare Medjugorje messages with another language versions choose
1 2 Next>>

For God to live in your hearts, you must love.

`